• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Santiago tinitimbangin pa ang susunod na lalaruan

HINDI tatalikuran ni Pilipina volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang patuloy na paglalaro sa ibayong dagat sakaling hindi pa rin makabalik ang women’s indoor volleyball event ng Philippine SuperLiga (PSL) sa taong ito.

 

 

Nakakatlong taon na sa Japan V. League sa Ageo Medics Volleyball Team, ipinahayag ng 25-year-old, 6-foot-5 former PH national player, na katatapos lang ng liga sa Land of the Rising Sun kung saan pumanlima ang kanyang koponan.

 

 

Idinagdag pa kahapon ni Santiago, na pag-aaralan pa niya ang kanyang mga susunod na hakbang kung sa ‘Pinas na magpapatuloy nang pagpalo o sa ibayong dapat pa rin.

 

 

Pinanapos ng dalaga, na nagpapadala rin ang agent niya ng kanyang kredensiyal sa iba pang mga liga sa iba’t ibang ng mundo na katulad sa China, Italy at Turkey, kaya may posibilidad din mula sa Japan ay lumipat siya ng ibang liga sa Europe o Asia pa rin. (REC)

Other News
  • Ads April 21, 2023

  • Bunga ng ‘disiplina at focus’ at siya rin ang nag-design: MARK, ‘di na makapaghintay na lumipat sa dream house niya

    MASAYA ang singer na si Mark Bautista dahil 98% na raw tapos ang kanyang pinapagawang bahay.       Hindi na raw siya makapaghintay na lumipat sa kanyang bagong bahay na bunga ng “disiplina at focus.”       Noong 2021 sinimulan ang construction ng kanyang dream home at lahat daw ng ginamit at ilalagay […]

  • Toll rates para sa Skyway 3, inilabas na ng TRB

    Nag-isyu na ng aprubadong toll rates ang Toll Regulatory Board (TRB) na sisingilin sa mga motorista na gagamit ng Skyway Stage 3 elevated expressway.     Kasunod ito ng anunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) na simula sa Hulyo 12 ay magsisimula na silang maningil ng toll fee para sa Skyway 3.     Ayon […]