• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Santo Papa, tinanggap ang mga credentials ng bagong Philippine envoy to The Holy See

PORMAL nang umupo bilang bagong Philippine ambassador to The Holy See si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Myla Grace Ragenia Macahilig.

 

Pinalitan ni Macahilig si Grace Relucio-Princesa, na nagsilbi bilang Manila’s ambassador to The Holy See mula September 2018 hanggang unang bahagi ng taon.

 

Sa social media accounts ng Vatican News, ipinaskil nito ang mga larawan ni Pope Francis na tinatanggap ang mga credentials ni Macahilig bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula nito ng kanyang bagong gampanin bilang kinatawan ng Pilipinas sa The Holy See.

 

Matatandaang, noong nakaraang Hunyo ay kinumpirma ng Commission on Appointments ang nominasyon ni Macahilig na noong panahon na iyon ay Asec ng DFA.

 

Nabanggit ni Macahilig na ang kanyang ‘assignment’ sa The Holy See ay kanyang “first posting as ambassador.”

 

“This year is actually a very auspicious year for Philippines and the Holy See diplomatic relations. As everyone may remember, this is actually the 70th year of the establishment of diplomatic relations between the Philippines and the Holy See,” ang naging pahayag ni Macahili sa komisyon noong panahon na iyon.

 

“In addition, the Catholic Church in the Philippines is actually commemorating the 500th year of the introduction of Christianity to the country (this year),” aniya pa rin.

 

Si Macahilig ay nagsilbi sa DFA sa loob ng 23 taon. Ang huling naging posisyon nito ay bilang assistant secretary sa financial management services office ng DFA.

 

Nagtrabaho rin siya sa mga embahada ng Pilipinas sa New Zealand mula 2002 hanggang 2008, at United Kingdom mula 2012 hanggang 2018. (Daris Jose)

Other News
  • Federer tatapusin muna ang Wimbledon bago magdesisyon kung sasabak sa Olympics

    Tatapusin muna ni Swiss tennis star Roger Federer ang Wimbledon bago magdesisyon kung sasabak ito sa Tokyo Olympics.     Sinabi nito na titignan niya muna ang kaniyang laro sa Wimbledon dahil kung hindi naging maganda ang kaniyang performance ay hindi na siya sasabak sa Olympics.   Mag-uusap muna sila ng kaniyang koponan para sa […]

  • PBBM nagbigay pugay sa lahat ng nanay at tatay na nagpapaka-nanay

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga ina, kabilang ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa kanilang  sakripisyo ngayong Araw ng mga Ina.     Sa isang post sa social media nitong Linggo, pinarangalan ni Marcos ang lahat ng mga ina sa kanilang mga sakripisyo na nagpatibay sa pamilya at […]

  • 4 sangkot sa droga nalambat ng maritime police

    Sa kulungan ang bagsak ng apat na hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police na sumisinghot ng shabu at nag-aabutan ng droga sa Navotas city.     Sa report ni PCpl Jan Israel Jairus Rhon Balaguer kay Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice, dakong 2 ng madaling araw, […]