• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SANYA at ROCCO, reunited sa inaabangang primetime series na ‘First Lady’; kinakiligan pa rin ng fans

REUNITED sina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa inaabangan na GMA primetime teleserye na First Lady.

 

 

Unang nagtambal sina Sanya at Rocco sa Encantadia noong 2016 at nasundan ito ng Haplos noong 2017.

 

 

Nagkaroon ng fans ang tambalan nila Sanya at Rocco at umasa silang magkakatuluyan ang dalawa, pero biglang lumitaw ang non-showbiz girlfriend ni Rocco na misis na niya ngayon na si Melissa Gohing. 

 

 

Sa First Lady, gaganap si Rocco bilang si Mayor Moises Valentin. Guest role lang daw ang paglabas ng aktor sa First Lady.

 

 

Sa lumabas na photos ng dalawa, may kilig pa rin sa netizens ang tandem nila kaya nabuo noon ang DanQuil at RocSan fandom.

 

 

***

 

 

BUKAS na ang Miss Universe Philippines sa pagtanggap ng mga bagong magiging contestants para sa taong 2022.

 

 

Ang anunsyo ay inihayag sa social media noong nakaraang Martes kasama ang listahan ng mga kinakailangang katangiang ng aspiring beauties.

 

 

Dapat ay nasa edad 18 hanggang 28 ang applicant sa pagsapit ng Miss Universe Philippines coronation night sa April 30. Dapat ay isang Filipino citizen at may pasaporte, wala pang asawa at walang anak.

 

 

Isang ikinatuwa ng marami ay walang height requirement na hinihingi.

 

 

“Follow the footsteps of your favorite Miss Universe Philippines queens and start a queendom of your own,” ayon pa sa caption ng MUP.

 

 

Maaaring makuha ang application form sa Instagram bio ng Miss Universe Philippines at ipadala sa contact@missuniverseph.com.

 

 

Tatanggapin ang application hanggang 11:59 pm ng Feb. 15.

 

 

Si Beatrice Luigi Gomez ang reigning Miss Universe Philippines, na nakapasok sa Top 5 ng international pageant noong nakaraang December sa Israel.

 

 

***

 

 

ISANG major college course na si Taylor Swift sa New York University or NYU.

 

 

Sa Clive Davis Institute ng NYU puwedeng i-take up ang naturang kurso na ayon sa syllabus ng class ay “students will develop an understanding and appreciation for Taylor Swift as a creative music entrepreneur.”

 

 

Kasama rin sa syllabus ang “legacy of pop and country songwriters that have influenced the pop star, plus a study of the way her creativity and songwriting have made her a durable presence in a quickly evolving music industry.”

 

 

Ayon pa sa music writer and musician na si Jason King na siya ring umuupong chair ng kurso: “Students gets to understand how to contextualize her culturally, and get students to think more deeply about her and her music through the lens of gender, feminism, race, and class, and other categories related to identity, and that deeper thinking is what this program is all about.”

 

 

Naimbitahan din si Taylor na maging guest sa isang lecture ng kanyang course.

 

 

Nagsimula ang class noong Jan. 26 at tatagal hanggang March 9 sa NYU.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Pilipinas handa sa hosting ng East Asia Baseball Cup

    TINIYAK ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na magkakaroon ng malalakas na manlalaro ang bansa dahil sa napili itong maging host ng 14th East Asia Basetball Cup.     Gaganapin ang nasabing torneo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 sa Clark, Pampanga. Ayon kay Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga, na isang kakaibang […]

  • Ibinuking na nagtatago sa banyo ‘pag nagti-Tiktok: DENNIS, idinaan sa nakaaaliw na video ang sagot sa paratang ni JENNYLYN

    BINUKING ni Jennylyn Mercado ang mister na si Dennis Trillo na nagtatago ito sa banyo kapag gumagawa ito ng content para sa Tiktok.   Idinaan na lang ni Dennis Trillo sa isang nakaaaliw na Tiktok video ang paratang ng kanyang misis.   Sinagot ng ‘Love Before Sunrise’ star ang pagbubuking sa kanya ni Jen sa […]

  • Ads December 12, 2020