• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sapat na bilang ng mga tren sa MRT-3, tiniyak upang matugunan ang dumaraming mga pasahero

TINIYAK ng pamunuan ng MRT-3 na sapat ang bilang ng mga tren ng MRT-3 para sa dumaraming pasahero.

 

 

Ito ang pahayag ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino kasunod ng balita na umabot sa 436,388 ang bilang ng mga pasaherong napagserbisyuhan ng MRT-3 noong Agosto 16.

 

 

Aniya, ito ang pinakamataas na bilang ng mga pasaherong sumakay mula Hunyo 2020, habang nasa 422,000 ang daily average ridership ng MRT-3.

 

 

Mayroong 18 train sets na tumatakbo sa mainline sa peak hours at 15 train sets sa off-peak hours.

 

 

Tatlo hanggang apat na spare trains naman ang maaari pang patakbuhin kung kinakailangan.

 

 

Giit ni Aquino, napakahalaga rin na regular at araw-araw na isinasagawa ang maintenance activities ng mga tren, gayundin ng buong linya, upang matiyak na maayos, ligtas, at iwas-aberya ang biyahe ng mga pasahero.

Other News
  • Sentimyento ni FL Liza Marcos, ipinagtanggol ni PBBM

    IPINAGTANGGOL ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si First Lady Liza Marcos sa mga sentimyento at saloobin nito laban kay Vice President Sara Duterte.     Sa isang panayam sa Occidental Mindoro sinabi ng Punong Ehekutibo na hindi sanay sa pulitika ang kaniyang asawa.     Sinabi ng Pangulo na hindi kasi gaya nila na manhid […]

  • 2 most wanted persons, timbog sa Caloocan

    NALAMBAT ng pulisya ang dalawang most wanted persons sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-6:30 ng hapon ng magsagawa ng pagsisilbi ng arrest warrant ang mga tauhan ng IDMS – Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera […]

  • RITM kaya nang matukoy ang ‘monkeypox’ virus

    MAY KAKAYAHAN na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na makatukoy ng kaso ng monkeypox na kumalat na sa iba’t ibang bansa sa mundo.     Ayon sa RITM, pinakalakas nila ang kanilang ‘real-time PCR (polymerase chain reaction) assay’ para makatukoy ng monkeypox virus at maging ang kanilang ikalawang ‘PCR assay’.     Tanging […]