• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sapat na pondo, available para sa agarang tulong matapos ang bagyong Kristine- DOF

TINIYAK ng Department of Finance (DOF) sa publiko ang ganap na kahandaan ng national government sa pananalapi para suportahan ang ‘relief and rehabilitation efforts’ sa mga lugar na winasak ng bagyong Kristine.

 

Sa katunayan, ayon kay Finance Secretary Ralph G. Recto na may sapat na pondo ang gobyerno para gamitin sa agarang disaster response at palakasin ang kahandaan ng local government units (LGUs).

 

“Rest assured, we have adequate funds in the National Treasury to quickly deliver more critical services and fund post-disaster emergency response, recovery, and reconstruction efforts,” ang sinabi ni Recto.

 

Aniya pa, committed ang gobyerno na tulungan na makabangon ang mga komunidad at ayusin ang kanilang katatagan para sa hinaharap na kalamidad.

 

Sa ilalim ng 2024 national budget, naglaan ang pamahalaan ng pondo sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) and the Quick Response Fund (QRF) lalo na para sa disaster relief operations.

 

Ang mga pondong ito ayon sa Kalihim ay direktang ipangtutulong sa ‘reconstruction at rehabilitation’ ng mga mahahalagang imprastraktura gaya ng lansangan, tulay at gusali.

 

Prayoridad din ng ‘relief efforts’ ang agarang pangangailangan na magbigay ng food packs sa mga apektadong pamilya para sa paunang lunas o tulong, pansamantalang matutuluyan at iba pang mahalagang suplay.

 

Tinuran pa ni Recto na mayroon itong available na karagdagang financial resources kabilang na ang unprogrammed funds, isang $500 million standby credit line, at Rapid Response Option facility mula sa World Bank, at post-disaster standby na popondohan mula sa Japan.

 

Samantala, handa naman na ang Bureau of the Treasury sa paghahain ng claims sa ilalim ng National Indemnity Insurance Program (NIIP) para tumulong sa pagkukumpuni ng mga public schools na napinsala ng bagyo.

 

“Additionally, the DOF aims to enhance LGUs’ disaster response capabilities through the People’s Survival Fund (PSF) and promote micro-insurance for vulnerable populations,” ang sinabi ni Recto.

 

At para pagaanin ang financial burden ng mga taxpayers na apektado ng bagyo, pinalawig naman ng Bureau of Internal Revenue ang deadline para sa pagbabayad at reportorial requirements hanggang Oct. 31, 2024, para sa piling Regional District Offices.

 

Sinusuri naman ng Bureau of Customs ang inventory nito sa mga ‘forfeited goods’ para sa potensiyal na donation sa mga biktima.

 

Idagdag pa rito na nag-aalok naman ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ng calamity at emergency loans sa mga naapektuhan.

 

Minamadali naman ng Land Bank of the Philippines ang quick access sa salary loans para sa mga empleyado at magbibigay ng financial support sa mga kooperatiba at micro, small, and medium enterprises para sa disaster recovery. (Daris Jose)

Other News
  • Bigas sa halip na pera sa 4Ps, isinusulong

    PINAG-AARALAN na ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na magbigay ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa halip na tulong pinansyal o pera mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na iminungkahi nila […]

  • Gastos sa biyahe abroad ng OVP noong 2023, triple tinaas — COA

    TRIPLE ang tinaas ng halaga ng gastos sa pangi­ngibang bansa ng mga opisyales ng Office of the Vice President noong 2023 na umabot sa P42.58 milyon.       Ayon sa Commission on Audit (COA), mas mataas ito ng 648% o nasa P11.15 milyon mula sa P1.49 milyong foreign trips ng OVP noong 2022.   […]

  • “Bob Marley: One Love” – A Cinematic Tribute to the King of Reggae

    DISCOVER the heart and soul of Bob Marley in the groundbreaking film “Bob Marley: One Love.” Experience the unseen facets of Marley’s life and legacy in theaters starting March 13, 2024.   Bob Marley’s unparalleled influence on music and culture continues to resonate across the globe, and the much-anticipated film, “Bob Marley: One Love,” promises […]