• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sara Duterte nagbitiw sa ‘Hugpong’ sumali sa partidong Lakas- CMD

Ilang araw bago ang deadline ng election substitution sa ika-15 ng Nobyembre, naghain na ng kanyang resignation si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio mula sa kanilang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

 

 

Kinumpirma ng HNP ang balita sa pamamagitan ng kanilang secretary general na si Anthony del Rosario sa isang pahayag, Huwebes.

 

 

“In her letter to the officers and members of HNP, she states that, ‘It is with profound sadness that I hereby tender my resignation from our beloved party. My support will always be with you and I will always be grateful for all the things you have taught me.'”

 

 

Ika-9 lang ng Nobyembre nang umatras si Duterte-Carpio mula sa kanyang orihinal na re-election bid sa Davao City, bagay na lalong nagpaypay sa tsismis na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022 sa pamamagitan ng substitution.

 

 

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ni Albay Rep. Joey Salceda, miyembro ng PDP-Laban at kapartido ni Pangulong Rodrigo Duterte (ama ni Inday Sara), na plano talaga ng nakababatang Duterte na tumakbo sa pagkapresidente — bagay na posible raw mangyari kung bigla siyang sumali sa partidong Lakas-CMD.

 

 

 

Oktubre 2021 lang nang sabihin ni Lakas-CMD secretary general at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. na meron “candidate placeholder” ang kanilang partido na pwedeng palitan ni Sara oras na mapagdesisyunan ng huling tumakbo sa pagkapangulo.

 

 

“While we are saddened by her resignation, we however wish her all the best in her future plans. Godspeed po Mayor Sara. In our hearts, you will always be our Chairperson. We love you po,” wika pa ni Del Rosario tungkol sa kanilang chairperson at founder na si Sara.

 

 

Wala pa namang kumpirmasyon pagdating sa planong pagtakbo ng presidential daughter sa pagkapangulo, ngunit lagi’t laging mataas ang kanyang pangalan sa mga presidential surveys gaya ng inilabas noon ng Pulse Asia.

 

 

Dati na ring sinabi ni PDP-Laban presidential aspirant Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na handa siyang umatras sa kanyang kandidatura kung mapagdesisyunan ni Duterte-Carpio na kumandidato.

 

 

 

Matatandaang naging substitute candidate si Digong bago manalo sa pagkapangulo noong 2016 national elections. (Daris Jose)

Other News
  • Magkumare rin ang dalawang reyna ng GMA: MARIAN at JENNYLYN, nagpakita ng suporta sa kani-kanilang show

    SA mundo ng showbiz kung saan kaliwa’t kanan ang siraan at hilahan pababa, nakakatuwang malaman na marami pa rin ang nagbibigay ng suporta sa kapwa artista.     Tulad na lamang dalawang reyna ng GMA na sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado.     Sa Instagram story ni Marian ay nag-post ang Primetime Queen ng […]

  • Hinihintay ng netizens at fans ang first photo at name… DENNIS at JENNYLYN, wala pang binibigay na details tungkol kay ‘BABY D’

    WALA pa ring ibinibigay ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kung ano ang ibig sabihin ng “Baby D” na tawag nila sa bagong silang na baby girl, kaya naghihintay pa rin ang mga fans nila.               Maikli lamang kasi ang ibinigay na statement ni Dennis sa Chicka Minute ng “24 Oras: “Everything went […]

  • Mga atleta ng National Team, hindi nakatatanggap ng sapat na financial support

    INAMIN ng Malakanyang na hindi nakatatanggap ng sapat na financial support ang mga atleta ng national team.   Inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang bagay na ito matapos na manalo si Hidilyn Diaz nang kauna-unahang Olympic gold medal sa weightlifting 55 kilogram division sa Tokyo, Japan.   “Kulang po talaga, parang minimum wage nga […]