• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sara-Gibo tandem sa 2022 lumutang

Lumutang ang posibleng tandem nina Davao City Mayor Sara Duterte at dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa May 2022 national elections matapos lumipad kahapon patungong Davao City ang huli at makipagkita sa presidential daughter.

 

 

Ito’y sa gitna na rin ng ugong ng balak na pagtakbo umano ni Sara sa presidential race.

 

 

Si Teodoro ay sinamahan ni dating 1st District Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na nagpost pa ng mga larawan sa social media.

 

 

“On my way with my vice president to meet my president. Done deal folks,” saad ni Andaya sa caption ng dalawang litrato na nagpapakitang kasama nito si Teodoro sa eroplano. Sa isa pang larawan ay kasama na nila si Inday Sara.

 

 

Sinabi ni Andaya na pinag-usapan nina Teodoro at Inday Sara kung paano masosolusyunan ang pandemyang dulot ng COVID-19 at kung paanong makakaahon ang ekonomiya ng bansa.

 

 

“‘Yung done deal na sinasabi ko, sa isip ko ‘yun. Dahil itong tandem na ito, napanaginipan ko lang ‘yun na mangyayari ito at nangyari na nga,” ani Andaya.

 

 

Aminado naman si 2nd District Albay Rep. Joey Salceda na maraming mga bigatin sa pulitika ang bumibisita sa presidential daughter sa Davao City.

 

 

“All roads lead to Davao for 2022 May national elections,” ani Salceda.

 

 

Kabilang sa mga bumisita kay Inday Sara sa pagdaraos nito ng kaniyang ika-43 taong kaarawan noong Lunes ay sina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at House Speaker Lord Allan Velasco. (Daris Jose)

Other News
  • Janella, nag-explain sa regalong ‘tinapa’ ng isang fan: JANE, malaki ang pasasalamat sa buong journey niya bilang ‘Darna’

    NASA huling dalawang Linggo na lamang ang “Darna” ng ABS-CBN at magpi-finale episode na ito.       Malaki ang pasasalamat ni Jane de Leon na sa buong journey niya ng pagiging Darna at pagkakagawa nito.     Sabi nga niya, “Kung walang Darna, wala po ako kung nasaan ako ngayon.”       Unaffected lang […]

  • Petisyon vs PUV modernization, ibinasura ng SC

    IBINASURA ng Korte Suprema ang isang petisyong humihiling na ipawalang-bisa ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr).     Sa desisyon ng Supreme Court (SC) en banc, na iniakda ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, ibinasura nito ang petition for certiorari and prohibition na inihain ng mga […]

  • House-to-house COVID-19 test, isusulong ng DOH

    Isinusulong ngayon ng Department of Health (DOH) ang “house-to-house swab testing” para sa COVID-19 sa tulong ng mga lokal na pamahalaan para mas maging epektibo ang ginagawang testing ng pamahalaan.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay para malaman talaga ang tunay na istatus ng impeksiyon sa bansa kahit na […]