Sara nag-alok ng tulong sa kandidatura ni BBM
- Published on October 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nilinaw ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakipagkita siya kay dating Senador Bongbong Marcos Jr. sa Cebu para pag-usapan kung paano makakatulong sa kanyang presidential bid sa susunod na taon ang kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).
Kasabay nito, muling iginiit ni Sara na hindi siya tatakbong pangulo sa 2022 presidential race.
Sa halip ay muli siyang sasabak sa pagka Alkalde ng Davao City sa kabila ng mga panawagan na humalili siya sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinagot din ni Sara ang mga tanong kung posible ba silang mag-tandem ni Marcos sa susunod na taon at sinabing walang pag-uusap tungkol dito.
Matatandaan na noong Sabado ay ibinahagi sa social media ng Alkalde ang mga larawan tungkol sa pagpupulong nila ni Marcos at kapatid nito na si Sen. Imee Marcos sa Cebu City.
Subalit nilinaw na dumalo lamang siya sa birthday celebration ng asawa ni House Majority Leader Martin Romualdez na pinsan naman ng mga Marcos at sa iba pang engagements sa lalawigan. (Gene Adsuara)
-
Utol ni Percy Lapid kumbinsidong hindi ‘fall guy’ si Escorial
KUMBINSIDO si Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid na hindi fall guy si Joel Escorial at ito mismo ang bumaril at nakapatay sa kanyang kapatid noong Oktubre 3 sa Las Piñas. Sa kanyang pagsama sa ginawang walk through sa crime scene ng pulisya, sinabi ni Mabasa na nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap […]
-
Opisyal at empleyado ng isang recruitment agency, arestado
INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang mga opisyal at empleyado ng isang recruitment agency dahil sa patong-patong na reklamo ng kanilang mga aplikante . Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamo ng kamag-anak ng isa sa biktima kung saan ang mga aplikante umano ay kinukulong sa tanggapan ng […]
-
Pinas, patuloy na nakikipag-ugnayan sa foreign govts
PATULOY na nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa foreign governments para masiguro na protektado ang mga Filipino seafarer lalo na sa Red Sea. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Undersecretary for Migration Eduardo Jose de Vega na kinikilala nito ang naging pahayag ng United Nation Security Council na kinokondena ang ginawang pag-atake sa […]