Sara susuporta, magiging tapat na VP kay BBM
- Published on May 11, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO kahapon si Lakas–CMD vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na magiging tapat at susuportahan ang kaniyang presidential tandem na si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sakaling mapagwagian nilang pareho ang May 9 national polls.
“Of course, I will be a supportive and loyal vice president to Apo BBM (Bongbong Marcos) in the event that he wins,” pahayag ni Duterte sa ambush interview ng mga mediamen matapos itong bumoto noong Lunes sa Daniel Aguinaldo National High School sa Davao City.
“Kung hindi naman natin kasama o kaalyado ang mananalong pangulo, I will still continue to work for our country,” giit nito.
Inihayag ni Sara na magiging “working vice president” siya para sa tumpak na serbisyo publiko.
Sina Marcos at Duterte ay kapwa nanguna sa presidential at vice presidential survey mula sa iba’t ibang survey firm sa bansa.
Samantala, dakong alas-7 ng umaga kahapon ay bumoto na si Marcos Jr. kasama ang mga miyembro ng kaniyang pamilya sa Mariano Marcos Memorial Elementary School sa Batac, Ilocos Norte.
Ang mga supporters ni Marcos ay sumisigaw ng “BBM, BBM” na matiyagang nag-abang matapos bumoto ang kanilang pambato na nagtungo sa Batac Church at nanalangin ng taimtim na ayon sa kampo nito ay para sa malinis at mapayapang eleksyon.
Samantala, tiwala rin ang kampo ni Marcos na tutugunan ng Comelec ang mga isyu ng umano’y dayaan sa halalan.
“We are taking note of these complaints but we are confident that the Comelec is ready for any eventualities especially against attempts by some groups to subvert the genuine outcome of this all-important and history-making political exercise,” ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ni Marcos.
-
Naospital dahil sa blood clot sa utak… JUSTIN BIEBER, nagbigay na ng update sa health ng asawa na si HAILEY
NAGBIGAY ng update si Justin Bieber tungkol sa kalusugan ng kanyang misis na si Hailey Bieber pagkatapos itong madala sa ospital noong magkaroon ito ng blood clot sa utak. Inamin ni Bieber na natakot daw siya dahil wala naman daw siyang naramdaman na kakaiba sa kinikilos ni Hailey noong magkasama sila noong umagang […]
-
Gilas Pilipinas manonood ng laban ng India at New Zealand sa FIBA World Cup Asian
MANONOOD na lamang muna ang Gilas Pilipinas sa laban ng India at New Zealand sa pagbubukas ngayong araw ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers Group A. Ito ay matapos na umatras ang nakatakda sana nilang makakalaban na South Korea ng marami sa mga miyembro nila ang nagpositibo sa COVID-19. Ang […]
-
Regional airports, dapat ng gamitin- PBBM
DAPAT nang gamitin ang mga paliparan na matatagpuan sa ibang rehiyon. “Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, habang hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan, ‘yung airport sa Sangley, ito ‘yung mga proposal ngayon eh. Kailangan natin buksan ang mga airport sa regional,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., […]