SARAH, pinalalagay na ‘preggy’ dahil sa IG post ni MATTEO na pinag-iisipan bumili ng family SUV
- Published on August 18, 2021
- by @peoplesbalita
MARAMING nag-react sa IG post ni Matteo Guidicelli sa nilagay niyang caption na, “I’m thinking of getting a new family SUV.”
At tulad ng inaasahan, advance na mag-isip ang netizens na base sa post ni Matt ay pinalalagay nilang baka ‘preggy’ na si Sarah Geronimo-Guidicelli.
Comment nila sa post ni Matteo na may ilan din namang kumokontra:
“Omgee! Preggy na si Sarah G??”
“Is this another endorsement from Nissan or just a hidden message to your caption?”
“Family means a baby on the way…”
“Ganyan din ako ang hinala ko dati sa favorite showbiz couple ko. Bumili sila ng pamfamily na SUV, at tama nga hinala ko na buntis nga yung girl. Baka preggy nga rin si SG.”
“Sana preggy na talaga! Excited na mga Ashmatts!!!”
“Baby GG reveal na yarn.”
“Wow!! The fambam is ‘growing’ na ba??
“Nagpapahiwatig kaba?”
“isama mo na yung baby seat para ready na.”
“I hope totoo na this time. Excited ako with their future babies.”
“i’ve been thinking lately that sarah might be pregnant hmmmm baka tama nga naman ako kasi indi masyado makikita si sarah sa social media lately hmmm. wow sana ..we popster will be more happier
“I dreamt of Sarah last night, could it mean a special announcement is coming.”
“Or baka new endorsement lang. From what I notice they are private with their relationship hindi sila basta magiingay unless may relate sa commercials nila.”
Oh well, wait na lang tayo after three months, dahil medyo safe yun sa isang nagbubuntis, ipag-pray na lang natin ang mag-asawa.
***
HABANG papalapit ang Setyembre, inihayag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na ang taunang Film Industry Conference nito ay magiging International Film Industry Conference (IFIC) Online mula Setyembre 16 hanggang 19, na mayroong isang buwang selebrasyon at kaganapang nakapila para sa pinakaunang pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month.
Ang ika-5 na edisyon ng IFIC ay patuloy na magbibigay ng komprehensibong kaalaman para sa young filmmakers at enthusiasts habang pinagsasama-sama ang local at international experts sa industriya bilang speakers at panelists sa serye ng public sessions at masterclasses.
Lumipat ang IFIC ng online noong nakaraang taon at nagkaroon ito ng mahigit sa 2,000 na attendees sa buong event. Ngayong taon, magkakaroon ng libreng public sessions at masterclasses na bukas sa publiko, parehas na local at international.
“The success of last year’s Film Industry Conference indicates that even amidst the pandemic and the shift to online platforms, the passion to learn more about the different aspects of cinema is still present. Through its 5th edition, the International Film Industry Conference Online, we want to support aspiring and budding filmmakers from the Philippines and the rest of the world by providing lessons that would help them grow and develop in their filmmaking journey,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.
Inilunsad noong 2017, bumubuo ng IFIC ng platform para sa aspiring Filipino filmmakers at film enthusiasts upang mas madagdagan ang pagsisiyasat sa mga oportunidad, hamon, at new norms sa industriya ng pelikula sa panahon ng pandemya.
Idaraos ang IFIC sa Setyembre, ang idineklarang Philippine Film Industry Month ni President Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation No. 1085, Series of 2021, kasama ang iba pang FDCP-organized na programa, proyekto, at kaganapan para sa taunang pagdiriwang.
Para sa mga paparating na impormasyon at updates sa IFIC, i-follow ang opisyal na Facebook page sa www.facebook.com/IFICPHofficial/.
(ROHN ROMULO)
-
Harapan ng Lakers at Hornets ipinagpaliban dahil sa wildfire
IPINAGPALIBAN ng NBA ang laban ng Los Angeles Lakers at Charlotte Hornets dahil sa wildfire. Isinagawa ang desisyon bilang pagsuporta sa mga pamilya na nawalan ng tirahan sa Los Angeles. Ayon sa NBA, labis silang nalulungkot at nakikipagsimpatiya sa mga naapektuhang residente. Pinuri rin ng liga ang mga katapangan ng mga bumbero at rescuers na […]
-
Pinay boxer Aira Villegas pasok na sa quarterfinals ng women’s 50 kgs. matapos talunin ang Algerian boxer
NAKUHA ng Pinay boxer ang unanimous decision laban kay Romaysa Boulam ng Algeria. Sa unang round ay dominado ni Villegas ang laban kung saan pinaulanan nito ang mga suntok ang Algerian boxer. Pinilit pang humabol si Boulam subalit hindi nagpatinag si Villegas hanggang tuluyang matapos ang last round at ideklara siyang panalo. Aminado si Villegas […]
-
Alex Eala makakaharap ang Japanese tennis player sa round of 16 ng Mumbai Open
Handa ng harapin ngayong araw ni Pinay tennis star Alex Eala si Japanese tennis player Mai Hontama sa Round of 16 ng Mumbai Open sa India. Ang 19-anyos kasi na si Eala ay nakausad sa Round of 16 ng talunin si Sara Saito sa score na 6-1, 6-0. Nasa ranked 134 sa Womens Tennis Association […]