• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sarno sinungkit ang 2 gold sa Tashkent Asian lift fest

NAGREYNA sa Vanessa Sarno nang pamayagpagan ang women’s 71-kilogram division ng ginaganap pa ring 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Tashkent, Uzbekistan nitong Miyerkoles ng gabi. 

 

 

Pinitas ng edad 17 Pinay na barbelista mula sa Tagbilaran, ang gold medal sa total lift sa 229 kgs. at sa clean and jerk sa 128kg lift. May silver pa siya sa snatch sa binuhat na 101.

 

 

Tinalo ni Sarno ang limang karibal sa overall tally na kinabibilangan nina Gulbanat Kadyrowa ng Turkmenistan  (223) at Yekatarina Bykova ng Kazakhstan  (213).

 

 

Bumida rin siya sa C&J sa naiangat na 28 laban din sa dalawang karibal (Bykova 122 at Kadyrowa 121) samantalang umangat lang si Kadyrova sa snatch lift kay Sarso, 102-101. Tersera rin si Bykova sa 91.

 

 

Si Sarno ang sinasabing sasunod sa alamat na si Hidilyn Diaz na nabokya sa 55kg. ditto pero nag-ququalify na sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na nausog sa parating na Hulyo 23-Agosto 8.

 

 

Ito ay sa dahilang magkakasunod niya mga tagumpay sa dalawang torneo sa nakaraang na dalawang taon patungo sa isa pang ito.

 

 

Nakatatlong gold din ang dalagita sa 2020 International Weightlifting Federation Online World Youth Championship sa Peru. At dalawang gold at isang silver sa 2019 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa North Korea. (REC)

Other News
  • Sangley Airport maaatraso ang development

    Ang pamahalaang lokal ng Cavite ay walang nakuhang bid para sa Sangley Point International Airport kung kaya’t tinatayang maaatraso ang development nito bilang isa sa mga alternatibong paliparan sa bansa.       “We had to declare failure of bidding. The Cavite’s Public Private Partnership (PPP) selection committee would reconvene to decide on the future […]

  • No extension sa December 31 deadline sa PUV consolidation – DOTr

    NANINDIGAN ang Department of Transportation (DOTr) na wala nang extension na gagawin ang pamahalaan hinggil sa December 31, 2023 deadline para sa consolidation o pagsasama-sama sa isang kumpanya o koope­ratiba ang lahat ng pampasaherong sasakyan sa buong bansa.     Sinabi ni Transportation Undersecretary John Batan, tagapagsalita sa usapin ng PUV Modernization ng LTFRB,  hindi […]

  • Patay na si Efren ‘Bata’ Reyes, ‘fake news’

    Nag-react ang pamilya ng Pinoy billiard champion na si Efren “Bata” Reyes sa mga lumabas sa social media na pumanaw na ito kamakailan.   Ayon sa anak ni Bata na si Chelo Reyes, “fake news” umano ang naturang impormasyon dahil maayos ang kalagayan ng kanyang ama.   Bilang patunay, nag-post pa ito ng video, kung […]