Saso, Ardina target ang Olympics berth
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
MAY apat na Pilipinong golfer ang kumakatok sa mga pinaglalabang tig-60 silya para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 men’s and women’s golf sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.
Sila ay sina Yuka Saso, Dottie Ardina, Miguel Luis Tabuena at Angelo Que na pawang mga professional golfer.
Umakyat na si Tabuena sa ika-59 sa listahan sa pinakahuling inilabas na Olympic golf ranking o OGR ng International Golf Federation dahil sa respetadong finish sa SMBC Singapore Open sa nakalipas na linggo upang manatili sa kontensyon sa pangalawang niyang sunod na paghambalos sa quadrennial sportsfest.
Tumapos si Tabuena sa triple-tie sa eight place na may US$21,667 (P1.1M) cash prize sa 275 aggregate sa Singapore golfest sa likod 68, 65, 66 at 76 sa 110-man world class field na pinagwagian ni Matt Kucher ng United States.
Ang isa pang Pinoy na si Angelo Que nalagak sa quintuple-tie sa 24th spot sa 281.
Ang top 60 men at top 60 women golfers na nasa OGR sa cut off date sa Hunyo ang mga magku-qualify sa Tokyo Olympics golf.
Nasa kontensiyon para sa Top 60 women sina Saso (nasa dulong kanan ng larawan) na nasa ika-49 at Dottie Ardina na nasa ika-51. (REC)
-
Obiena, PATAFA gumulo pa
SA halip na mag-areglo gaya nang kanilang mga pinahayag sa Senado noong Pebrero 11, mas malaki pang gusot ang sumambulat para kay 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na pinamumunuan bilang pangulo ni Philip Ella ‘Popoy’ Juico. Hindi gumalaw ang […]
-
Ads March 9, 2021
-
Presidentiable Ka Leody ligtas, 4 sugatan sa pamamaril ng ‘private armies’ ng mayor sa Bukidnon
APAT ang sugatan na mga Manobo-Pulangiyon tribe at mga kasamahan ng presidential candidate na si Ka Leody De Guzman sa pamamaril ng mga umano’y private armies ni Quezon, Bukidnon Mayor Pablo Lorenzo III dakong alas-11:30 kaninang umaga sa Barangay Botong, Quezon, Bukidnon, ito ang inihayag ni De Guzman sa panayam. Ayon kay De […]