• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso balik sa world No. 76 ranking

BINAWI ni Philippine rookie professional golfer Yuka Saso ang No. 76 sa Rolex women’s golf world rankings makalipas makihanay sa eighth place sa katatapos na 51st Descente Tokai Classic Aichi 2020 nitong Linggo sa Aichi Prefecture, Japan.

 

Inupuan na dati ang silyang iyon ng 19-anyos na Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan mula sa No. 221 sa umpisa ng taong ranggo. Pero sanhi ng kambal na pagre-reyna sa NEC Karuizawa at Nitori Ladies nitong Agosto sa 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020 nakuha ang ika-76 na katayuan.

 

Nalaglag siya sa No. 78 kamakailan nang lumapag sa ika- 29 na puwesto sa Golf5 Ladies at ika-13 sa JLPGA Championship. Pero nakakuha siya ng 2.43 ranking points pa-total 51.91 sa 16 world-rated golfest upang makabalik sa 76th spot. (REC)

Other News
  • ‘DSLU’ pantapat sa viral course ni Jak: DAVID, aminadong seloso siya pero nasa lugar

    MABILIS na kumalat iyong JRU (Jak Roberto University) ‘Anti-Silos Class’ ni Jak Roberto, ngayon naman ay may DLSU na si David Licauco na pantapat niya sa “viral course” ng boyfriend ng kanyang ka-love team na si Barbie Forteza.       Nang mag-guest si David sa “Fast Talk with Boy Abunda,” last August 29, doon naman […]

  • Duterte, itinalaga si Torres bilang bagong Nolcom commander

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Maj. Gen. Ernesto Torres Jr., dating Civil Relations Service of the Armed Forces of the Philippines (CRSAFP) chief, bilang bagong commander ng Northern Luzon Command (Nolcom).     Pinalitan ni Torres si dating Nolcom commander, Lt Gen. Arnulfo Marcelo Burgos.     Sa liham kay Department of National […]

  • Malakanyang, umapela sa mga jeepney drivers, operators na huwag suspendihin ang operations ngayong linggo

    SA gitna ng nagpapatuloy na pagsirit ng presyo ng langis, umapela ang Malakanyang sa public utility jeepney (PUJ) drivers at operators na huwag nang ituloy ang kanilang plano na tigil-pasada o isuspinde ang nationwide jeepney operations ngayong linggo.     “Nanawagan kami sa mga tsuper at mga operator ng mga jeep na huwag ituloy ang […]