• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso ibabalik ang bangis

NAWALA SA ang pamatay na porma ni Yuka Saso kaya nagdaang limang torneo’y isang top 10 lang ang pinakamataas na tinapos sa 12th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, magbuhat nang makadalawang sunod tagumpay sa mayamang paligsahan sa kontinente.

 

Desidido ang 19-anyos na Fil-Japanese na tubong sa San Ildefonso, Bulacan na makabawi at makuhang muli ang tikas pamatay sa pagsambulat ngayong Biyernes ng Fujitsu Ladies 2020 sa Tokyu Seven Hundred Club sa Chiba City, Japan.

 

Inihudyat nang hindi marunong mag-Nihonggo pero matatas mag-Filipino na rookie professional ang pagdomina sa edisyong ito nang pamayagpagan sa ikalawa-ikatlong mga torneong NEC Karuizawa at Nitori Ladies ‘pagkabinyag’ sa kanya pakikipagbuhol sa ikalimang puwesto sa Earth Mondahmin Cup.

 

Pero hindi na siya gaanong nakapalag pa sa korona para mabitawan ang pamamayagpag sa Player of the Year race kahit nasa ituktok pa rin naman ng money derby at sa karamihang statistika. (REC)

Other News
  • Dapat ipakita na maging role model at makipag-ayos: Manong CHAVIT, nakikiusap kay CARLOS na ‘wag nang pahirapan ang kanyang pamilya

    ANG makipag-ayos sa kanyang pamilya ang pakiusap ni former Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson kay 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.       Ito ang kanyang kundisyon bago niya ibigay ang P5 million reward sa kinikilala nang Pinoy champ.       Ayon pa sa dating gobernador nang makausap namin sa […]

  • Ukol sa drug war… Mga pasabog ni Digong sa Senado, pinalagan ng Malakanyang

    PINALAGAN ng Malakanyang ang mga sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nananatiling malaganap pa rin ang krimen sa bansa.   Sa kalatas na ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na “With due respect to former President Rodrigo Duterte- there is no truth to his statement that crime remains rampant in the […]

  • Dini-discourage nga pero susuportahan pa rin: MIKEE, ibinunyag na pangarap ng PAUL na pumasok sa politika

    IBINUNYAG ni Mikee Quintos na pangarap ng kaniyang nobyong si Paul Salas na pumasok sa politika. Sa Surprise Guest with Pia Arcangel, inilahad ni Mikee na mga lawyer at doktor ang propesyon ng mga miyembro ng kaniyang pamilya, at siya lang nag-iisang taga-showbiz. Dating mga konsehal at konsehala sa Maynila ang kaniyang mga magulang na sina […]