Saso iwan ng 9 na palo
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
MALAMBOT ang umpisa ni Yuka Saso sa nasapol lang na one-over 73 upang mabaon ng siyam na palo laban sa nag-iisa sa tuktok na si Na-Ri Lee ng South Korea sa 53 rd Japan Women’s Open Golf Championships 2020 sa The Classic Golf Club sa Miyawaka City, Fukuoka Prefecture nitong Huwebes.
Naka-nines na 36-37 ang top Philippine professional golfer na dalawang birdie at tatlong tatlong bogey sabalik-aksyon mula sa 10 araw na pahinga at paglilimayon kasama ang mga kapatid sa Tokyo ay ensayo sa 72-butas, apat na araw na torneong ito.
May malagablab naman ang 32-taong-gulang na Koreana na humataw ng 8-under 64 para sa dalawang palong kalamangan kay Japanese Sakura Koiwai (66), samantalang salo sa tersera sa parehas na 68 ang dalawa pang Nippon na sina Momo Ueda at Erika Hara.
Inaasam ng 19-anyos na Fil-Japanese rookie na si Saso na lampasan ang ika-13 puwesto sa una niyang sa 12th Ladies Professional Golf Association of Japan Tour 2020 at posibleng pangatlong korona sa pang-anim na kompetisyon dito. (REC)
-
Wala pang community transmission ng ‘mas nakakahawang’ COVID-19 variants sa PH
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa ring ebidensya ng community transmission o pagkalat sa komunidad ng mga mas nakakahawang variants ng COVID-19 virus na naitala sa bansa. “Wala tayong confirmed community transmission as of yet. We are still further studying the cases,” ayon kay Health Usec. Maria Vergeire sa isang […]
-
Successful sitcom, nagtapos na after ten months… JOHN LLOYD, babalik din next year at tuloy na ang movie with BEA
TIYAK na mami-miss ng kanyang mga fans ang multi-awarded actor, na si John Lloyd Cruz, dahil after the highly successful ten-month run, “Happy ToGetHer” nag-air na kagabi, October 30, and season 2 finale, after “24 Oras Weekend.” Puring-puri ng mga viewers ang husay ni JLC, sabi nga ng isang fan, “kahit sinong actress […]
-
Marawi City, babangon sa ilalim ng termino ni PDu30
“Ang pangako ni President babangon muli ang Marawi sa kanyang termino. The target can be met.” Ito ang tiniyak ng Malakanyang matapos na mawasak ang Marawi City noong 2017 nang magkaroon ng bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at Maute terrorist group. Muli itong ibabangon ng Pangulo sa ilalim ng kanyang termino. […]