• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso magaling, malakas na babalikwas sa 2021

ISANG mas magaling at malakas na Yuka Saso ang babalik para sa 54th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2021.

 

Ipinangako ito ng 19-anyos na bagitong top Philippine pro player kasunod nang pagmintis sa ibabaw ng Player of Year (Mercedes rankings) sa paglulunsad ng kanyang career sa mayamang region’s circuit na natapos nito lang Linggo.

 

“Marami akong natutunan at nagpapasalamat ako sa opportunity (na makalaro sa Japan Ladies Professional Golf Association),”  wika ng Fil-Japanese na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan Lunes makaraang pumang-anim sa huling torneong  JLPGA Tour Championship Ricoh Cup sa taong ito sa Miyazaki Prefecture.

 

Pumangalawa ang dalagang nakabase sa ngayon sa Tokyo na si Saso kay Ayaka Furue, pero namayagpag sa money list ng Tour, na naghayag nang mas maraming torneo sa papasok na taon kasama ang mga kinansela sa kasalukuyang taon dahil sa Covid-19.

 

Lumikom ang 20-taong-gulang na si Furue sa 14 tournaments ng 1371.78 points, sa mapuwersang pagtatapos sa pagkopo ng mga korona sa Itoen Ladies at Daio Paper Elleair Open at pumangalawa sa JLPGA Ricoh Cup huling tatlong laro.

 

Si Saso’y nakadalawang sunod trono rin sa NEC Karuizawa at Nitori Ladies noong Agosto August, bago napakawalan ang POTY kay Sakura Koiwai at binawi sa pagpangalawa sa Toto Classic noong Nobyembre sa 1146.85 pts. (REC)

Other News
  • 9 PANG PUGANTENG JAPANESE NATIONAL, PINA-DEPORT

    PINABALIK sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud.     Ang mga pugante ay umalis patungong Narita via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kasama ang kanilang mga Japanese police escort .     Kinilala ang mga pina-deport na sina […]

  • ALPHA KAPPA RHO FRATERNITY NAG DIDIRIWANG NG IKA-48TH FOUNDING ANNIVERSARY

    Ang ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority ay nag didiriwang ng kanilang ika-apat napu’t walong anibersaryo.   Bagama’t pandemya ay hindi naman papapigil ang mga AKRHO para ipag diwang ang kanilang anibersaryo. Sa pangunguna ng Valenzuela Skeptron Council 8309 at ang mga officers na sila Chairman Edmar Jimenez, Vice Chairman District 1 […]

  • 4 na cabinet members ni British PM Johnson nagbitiw

    NAGBITIW sa kanilang puwesto ang apat na senior aides ni British Prime Minister Boris Johnson.     Kasunod ito sa pressure dahil sa mga kontrobersiyang kinakaharap ni Johnson.     Kinabibilangan ito nina director of communications Jack Doyle, policy head Munira Mirza, chief of staff Dan Rosenfield at senior civil servant Martin Reynolds.     […]