• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso nais ang ika-3 panalo

SINIMULAN na kahapon ni Yuka Saso ang kampanya sa ¥112.5M 52nd Japan Women’s Open Golf Championship sa The Classic Golf Club sa Fukuoka Prefecture buhat 10 araw na sapat na pahinga, paglilimayon at pamimili.

 

Puntirya ng 19-anyos, may 5- 5 na taas na Fil-Japanesena dalagang tubong San Ildefondo, Bulacan, na higitan ang ika-13 puwesto sa una niyang Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Tour major sa Okayama para sa posibilidad na ikatlong panalo sa rookie professional career.

 

Mabibigat lang ang kalaban ng money race, scoring leader at Player of the Year frontrunner Philippine ace sa pang-anim niyang torneo buhat noong Hunyo sa mayamang sport circuit sa kontinente tapos makasalamuha din sa mga kapatid sa Tokyo.

 

Ilan sa mga astig na karibal ni Saso ay sina Golf5 Ladies runaway winner Sakura Koiwai at Descente Ladies champion Ayaka Furue, multi-titled Ai Suzuki at United States LPGA Tour campaigners Momoko Ueda at Mamiko Higa, Earth Mondahmin Cup winner Ayaka Watanabe at iba pa. (REC)

Other News
  • PBBM pumalag: Anti wang-wang policy, iba kay PNoy

    PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkukumpara sa pagitan ng kanyang anti-wang-wang policy at kay dating Pangulong Benigno Aquino III, nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong panahon ng kanyang termino.     Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng […]

  • 4 timbog sa baril at shabu sa Malabon, Valenzuela

    Swak sa kulungan ang apat hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela cities.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28, Michaell Alene Sy, 29 at April Jay Praxides, 25. […]

  • Zero COVID case reward sa Maynila, suportado ng DOH

    “Huwag itago ang tunay na estado ng kaso COVID-19 sa kanilang lugar.” Ito ang paalala ng Department of Health (DOH) kasunod ng pagbibigay ng reward na P100,000 ang pamahalaang lungsod sa mga barangay sa Maynila na makakapagtala ng zero COVID-19 case sa loob ng dalawang buwan na magsisimula sa September 1 hanggang October 31. Bagamat […]