• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso No. 8 na sa world ranking

Muling umangat si reig­ning US Women’s Open champion Yuka Saso sa world ranking nang okupahan nito ang No. 8 spot sa listahan.

 

 

Lumundag ng isang puwesto ang 19-anyos Pinay golfer mula sa kanyang dating ika-siyam na puwesto sa ranking.

 

 

Bumagsak naman sa No. 9 si Hyo-Joo Kim ng South Korea matapos itong malagay sa ika-57 puwesto sa katatapos na LPGA Mediheal Championship.

 

 

Nanatili naman sa No. 1 spot si Jin Young Ko kasunod sina In Bee Park, Sei Young Kim, Nelly Korda, Brooke Henderson, D­anielle Kang at Lexi Thompson.

 

 

Bukod sa pag-angat sa world ranking, masayang-masaya si Saso nang sa wakas ay makita na nito ng personal si dating world champion Rory McIlroy.

 

 

Hindi maipaliwanag ni Saso ang naramdaman nito nang makasama si McIlroy sa practice session ng US Open sa Torrey Pines.

 

 

“I didn’t know how to say, ‘Hi.’ But he was so nice. He was so kind. He was so open. When I asked him a question, he was so ho­nest. I hope I can ask him more advice,” ani Saso.

 

 

Maliban kay McIlroy, nakita rin ni Saso ang iba pang kilalang boxers gaya nina US Open champion Bryson DeChambeau at PGA champion Phil M­ickelson.

 

 

“I saw Phil activating his calves, and yeah, I saw Jordan Spieth. I saw the great players. It’s been a great day, and I’m thinking to come back tomorrow morning before I fly back to Atlanta,” dagdag ni Saso.

 

 

Ngunti hindi makakalimutan ni Saso ang enkuwentro nito kay McIlroy na pangunahing idolo nito.

 

 

“He let me go inside the ropes. That was really great. I talked to him about things. I can’t share it with you guys. I want to keep it with me,” ani Saso.

Other News
  • 30% ng mga residente sa NCR, nananatiling hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19 — Usec. Diño

    MAY 30% pa rin ng mga residente sa National Capital Region (NCR) ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakunahan laban sa COVID-19     “Sa Metro Manila, puwede na kaming pumalo ng 30%,” ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.     “Mataas ang herd immunity natin sa Metro Manila. Siguro pumalo […]

  • Pinatar Cup: Filipinas naghahandang bumawi sa Scotland

    Siniguro ng Philippine womens’ football team ng bansa na Filipinas babawi sila at magtatala ng panalo sa nagpapatuloy na Pinatar Cup sa Spain.   Matatandaang nalasap ng Filipinas ang unang pagkatalo sa kanilang debut game sa Pinatar Cap kontra sa Wales 1-0  noong Huwebes.   Susunod na makakalaban ng Filipinas ang Scotland sa  Sabado.   […]

  • Pinay skateboarder Margielyn Didal pasok na sa Tokyo Olympics

    Opisyal ng sasabak sa Tokyo Olympics si Pinay skateboarder Margielyn Didal.     Sa ginawang anunsiyo ng World Skate kasama si Didal sa listahan na inilabas ng international roller sports.     Gaganapin ang pagsabak ng 22-anyos na si Didal sa Hulyo 25 hanggang 26.     Dahil sa pagsali ni Didal sa Olympics ay […]