• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso, Pagdanganan tuloy ang hataw sa LPGA Tour

MAGPAPATULOY sa pangalawang pagkakataon sa kasalukuyang buwan at pangatlo mula noong Disyembre bilang pambato ng bansa sina Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 sixth leg – $2M 10th Lotte Championship sa Abril 15-19 sa Kapolei Golf Club sa Hawaii.

 

 

Kakasalo lang sa triple-tie sa ika-50 puwesto ng 19 na taong-gulang na Pinay-Japanese na si Saso sa LPGA Tour fifth leg – $3.1M 39th Ana Inspiration sa California nitong Abril 1-4 at nagsubi ng premyong $10,081 (₱489K).

 

 

Setlog sa gantimpala ang 23 taong-gulang at isinilang sa Quezon City na si Pagdangan  nang humilera sa siyam sa ika-87 posisyon, kapos ng three strokes para ma-cut tapos ng second round sa Ana golfest.

 

 

Nagsabay rin ang dalawang pangunahing pro golfer ng ‘Pinas sa 75th US Open 2020 sa Houston, Texas noong Dis. 10-13 sina Saso’t Pagdanganan.

 

 

Tumabla sa pito para sa ika-13 puwesto na may $96,800 (₱4.6M) gantimpala si Saso.  Kumabyos naman  sa cut si Pagdanganan pero kumite pa rin ng ng $4K (₱192K). (REC)

Other News
  • Panukalang batas na gawing regular licensing center ang LTO-Las Pinas extension, aprubado na ng Kamara

    IKINATUWA ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar, ang pag-apruba ng Kamara sa 3rd and Final Reading ang panukalang batas na layong i-convert ang Land Transportation Office (LTO) extension para gawin itong regular licensing center.     Sa botong 289 pabor, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8152 nuong Lunes, May 29, 2023. […]

  • NBA players, binigyan ng June 24-deadline para ihayag kung maglalaro sa season restart

    Binigyan na ng palugit ang mga players ng NBA hanggang Hunyo 24 upang abisuhan ang kani-kanilang mga teams kung lalahok o hindi ang mga ito sa pagbabalik ng mga laro ng liga sa Walt Disney World. Mismo kasing mga NBA players ay hindi nagkakaisa sa muling pagpapatuloy ng season sa Orlando dahil sa samu’t saring […]

  • RIDING-IN-TANDEM TODAS SA PULIS SA CALOOCAN

    DEDBOL ang dalawang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa humahabol na mga pulis makaraang takbuhan ang isang checkpoint sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.     Base nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, dakong alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan […]