• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso umangat sa ranking, Pagdanganan bumulusok

UMAKYAT ng limang baitang si Yuka Saso sa Rolex 15th World Women’s Professional Golf Rankings 2020 nang humanay sa pitong magkakabuol para seventh place finish sa wakas sa kapapalo na 75th US Women’s Open 2020 sa Houston, Texas.

 

Sinakop ang ika-45 puwesto buhat 50th sa nagdaang linggo ng 19 na taong-gulang na  Fil-Japanese rookie sa 86.45 total points makaraang makakolekta ng 9.07 markers sa US Open nitong Disyembre 10-13.

 

Napipito pa ring ma-sweep ng top Philippine pro ang 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020 Player of the Year at money race, batay sa ipinahayag nong isang linggo ng Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGFA).

 

Ayon sa organisasyon, hold muna ang 2020 season awards nila dahil magdaraos pa ng ilang torneo sa maaga ng 2021 bilang bahagi ng 2020 Tour na mga pinagpaliban sanhi ng Covid-19 na dedetermina sa mga awardee.

 

Sa pagkalagot naman sa cuts made sa US Open ng 71st LPGA Tour 2020, bumaba ng isang hakbang si Bianca Pagdanganan na kasalukuyang  nasa 150th sa 28.28 pts. makaraang mabokya sa US Open.

 

Pero kung pahinga na sa kabuuan ng buwan si Saso, may isa pang laban ang PH No. 2 sa 7th CME Group Tour Championship 2020 sa Dis. 17-20 (Dis. 18-21 sa ‘Pinas).(REC)

 

Other News
  • Upakang Ancajas, J Ro matutuloy na sa Abril

    MATUTULOY na ang muling pag-akyat ng ruwedang parisukat  ni world men’s boxing champion Jerwin Ancajas makalipas ang may na buwa nang pagkakapirmi lang sa Estados Unidos.   Sinabi nio Manny Pacquiao Promotion (MPP) president Sean Gibbons, na papanhik sa lonang de lubid si Ancajas upang harapin si Jonathan Rodriguez ng Mexico  sa pagtatanggol sa kanyang […]

  • Galvez, umapela sa publiko na pagkatiwalaan ang bakuna na bibilhin ng Pilipinas

    UMAPELA si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko na pagkatiwalaan ang COVID-19 vaccines dahil ang bibilhin naman ng Pilipinas na bakuna ay ligtas at epektibo.   “Magtiwala po tayo na ang mga bakunang darating ay daraan sa stringent evaluation ng vaccine experts panel at ng FDA (Food and Drug Administration). Lahat po ng vaccine […]

  • ‘1st Sunday’ ng 2022: 4,600 bagong COVID-19 cases, naitala sa PH; 25 bagong patay

    Mula sa 3,617 sa unang araw ng bagong taon kahapon, tumaas sa 4,600 na bagong COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) cases ang naitala sa Pilipinas ngayong araw.     Base sa latest bulletin ng Department of Health (DOH), 21,418 na ang bilang ng aktibong kaso kung saan 769 ang asymptomatic o walang sintomas, 15,644 ang mild, […]