Saunders sasailalim sa operasyon sa mata matapos ang pagkatalo kay Alvarez
- Published on May 12, 2021
- by @peoplesbalita
Nanganganib na matapos na ang boxing career ni Billy Joe Saunders matapos ang pagkatalo nito kay Canelo Alvarez.
Nagtamo kasi ang 31-anyos na si Saunders ng matinding pinsala sa kaniyang kanang mata matapos ika-walong round na pagkatalo nito kay Alvarez.
Agad na itinakbo naman sa pagamutan si Saunders matapos ang laban kung saan na-diagnosed ito ng quadripod fracture.
Ayon naman sa promoter ni Saunders na si Eddie Hearn na sasailim sa operasyon ang British boxer.
Natikman ni Saunders ang unang talo kay Alvarez kung saan bago ang laban ay mayroong malinis na record ito na 30 panalo at walang talo.
-
Pinoy karateka Delos Santos humakot na ng 50 golds mula sa iba’t ibang kompetisyon
Mayroon ng 50 gold medals mula sa iba’t ibang kompetisyon si Philippine karateka James delos Santos. Pinakahuling panalo nito ay sa Katana International League #3. Tinalo nito ang mga pambato ng Switzerland, France, Norway at US. Noong Oktubre 2020 ay nakamit na nito ang number 1 status matapos na […]
-
Mt. Kanlaon, sumabog; 5000-meter plume, naitala – Phivolcs
NAGLABAS ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island. Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume. Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake. Dahil dito, nananatili ang […]
-
DINGDONG at MARIAN, muling mapapanood sa primetime sa pagbabalik ng ‘Endless Love’
MUKHANG inip na ang mga DongYan fans ng mag-asawang Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, na mapanood silang magkasama sa isang serye. Kaya umani ng maraming likes ang post ng GMA Network na muling mapapanood sa GMA Telebabad ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Endless Love […]