• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SC binasura ang petition renaming MIA to NAIA

Binasura ng Supreme Court (SC) ang petition ng lawyer na si Larry Gadon upang ipawalang bisa ang 33-year-old na batas sa pagbabago ng Manila International Airport (MIA) upang maging Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

Sa isang full session noong Martes, ang mga justices ng SC ay sumangayon lahat na hindi pagbigyan ang petition dahil sa kakulangan ng basehan. Ito ang wika ni SC spokesman Brian Keith Hosaka.

 

Sa petition na inihain ni Gadon noong August 27, sinabi niya na ang dating senator Benigno Aquino III ay hindi maaaring maging isang bayani kung kaya’t hindi dapat pinangalan ang airport sa kanya.

 

Kung kaya’t hiningi niya sa SC na ipahayag na ang Republic Act 6639 ay null at void dahil ang decision sa pagbabago ng pangalan ng country’s main gateway ay hindi sangayon sa guidelines ng National Historical Commission of the Philippines na ang isang public place ay bibigyan ng pangalan o renamed dahil sa isang tao within 10 years ng kanyang kamatayan maliban lamang kung “high reasons.”

 

Si Aquino ay pinatay sa tarmac ng MIA noong August 21, 1983. Ang nasabing batas ay ginawa noong November 27, 2987 upang bigyan ng honor ang nasabing statesman.

 

“The 8th Congress has abused its discretion in passing the shortest law in history. It was the shortest law in the country with only 44 words, including the title. The law was created for the purpose of political name recall,” ayon kay Gadon

 

Ayon kay Gadon kanyang nirerespito ang desisyon ng SC subalit nalulungkot siya dahil hindi pinahalagayan ng justices ang essence ng kanyang petition.  (LASACMAR)

Other News
  • Naputukan nitong New Year 585 na; nasapol ng ligaw na bala dumami

    SUMAMPA na sa halos 600 katao ang bilang ng nadidisgrasya ng paputok atbp. paingay sa pagpasok ng 2024 habang nadagdagan naman ng dalawa pa ang bagong kaso ng stray bullet injuries, ayon sa Department of Health.     Ayon sa DOH ngayong Huwebes, nadagdagan pa kasi ng 28 fireworks-related injuries mula ika-3 hanggang kaninang madaling […]

  • Mahigit 100,000 katao sa US kasalukuyang na-admit sa hospital dahil sa Omicron variant

    Pinalawak pa ng US Food and Drug Administration ang otorisasyon sa paggamit ng emergency para sa mga nagpapalakas ng bakuna sa COVID-19 ng Pfizer sa mga batang edad 12 hanggang 15-anyos.     Sinabi ni Dr. Peter Hotez, dean ng National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine na ang mga bata ang […]

  • AKAP budget, ilalaban

    NANGAKO si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ilalaban ng kamara ang paglalaan ng pondo sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 2025 budget.     Mahigit sa apat na milyong “near poor” Pilipino sa buong bansa ang apektado nito.     “AKAP is not just a […]