• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SC ibinasura ang DQ vs Marcos sa botong 13-0

IBINASURA ng Supreme Court ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa kandidatura ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hudyat ng malayang oath-taking niya bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

 

 

Sa botong 13-0, ibinasura ng SC en banc ang petisyon kontra sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon sa Certificate of Candidacy ni Marcos at isa pang pe­tisyon na humihiling naman na idiskuwalipika siya.

 

 

“The Court held that in the exercise of its power to decide the present controversy led them to no other conclusion but that respondent Marcos Jr. is qualified to run for and be elected to public office. Likewise, his COC, being valid and in accord with the pertinent law, was rightfully upheld by the Comelec,” ayon sa pahayag ng SC Public Information Office.

 

 

Pinonente ni Associate Justice Rodil Zalameda ang kautusan, ngunit hindi pa naisasapubliko ang kopya ng desisyon.

 

 

Nabatid na hindi lumahok sa desisyon sina Associate Justices Henri Jean Paul Inting at Antonio Kho Jr. (Daris Jose)

Other News
  • DTI, nakatakdang ipalabas ang Noche Buena price guide

    INAASAHANG ipalalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa Noche Buena products.     Ito’y sa gitna ng nakabinbin na price hike petition para sa holiday ham na sinasabing maaaring tumaas ng 4%.     “It will be out (price guide)  by the second week of November because not all […]

  • NCR, mananatili pa rin sa Alert Level 1 classification – Malakanyang

    MANANATILI pa rin sa Alert Level 1 classification ang buong National Capital Region (NCR) epektibo Mayo 1 hanggang Mayo 15, 2022.     Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na muling manatili ang NCR sa nasabing alert level status.     Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, bukod sa […]

  • Bagong voter registration system na “Register anywhere,” kasado na-Comelec

    KASADO na para sa pilot testing ang panibagong sistema ng Commission on Elections na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga voter registrants na makapagparehistro kahit hindi sa kanilang siyudad o bayan na kinabibilangan.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, bunsod ng pagiging abala ng mga dapat […]