Sea travel sa Northern Luzon suspendido dahil sa bagyong Julian
- Published on October 1, 2024
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sea travel nitong Lunes ng umaga, Setyembre 30 sa northern Quezon dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Julian.
Inanunsyo ng PCG station sa bayan ng Real ang suspensyon ng biyahe sa lahat ng sasakyang dagat na maglalayag sa nasabing ruta sa kani-kanilang lugar dahil na rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 at posibleng epekto ng masamang panahon.
“All vessels are reminded to take precautionary measures and be extra vigilant in monitoring the movement of the typhoon if deemed to be affected by said weather disturbance,” sinabi ng PCG sa kanilang anunsyo publiko.
Saklaw ng istasyon ng PCG ang Polillo group of islands sa Pacific Ocean na sakop ang bayan ng Polillo, Burdeos, Panukulan, Jomalig, at Patnanungan.
Sinabi ng mga awtoridad na ang mga sasakyang pandagat na nagnanais na sumilong ay pinahihintulutan “hangga’t ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng written request at walang pasahero/kargamento ang papayagang sumakay.”
Ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat ay magpapatuloy hanggang sa susunod na abiso at sa pagbuti ng lagay ng panahon at dagat, idinagdag ng PCG. GENE ADSUARA
-
4 huli sa aktong sumisinghot ng droga sa Valenzuela
BAGSAK sa selda ang apat na katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Sa ulat ni PMSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Station Drug Enforcement Unit […]
-
Utol ni Percy Lapid kumbinsidong hindi ‘fall guy’ si Escorial
KUMBINSIDO si Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid na hindi fall guy si Joel Escorial at ito mismo ang bumaril at nakapatay sa kanyang kapatid noong Oktubre 3 sa Las Piñas. Sa kanyang pagsama sa ginawang walk through sa crime scene ng pulisya, sinabi ni Mabasa na nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap […]
-
Ads July 2, 2020