• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE MULING NAKAMIT NG NAVOTAS

Nasungkit muli ng Navotas ang Seal of Good Education Governance (SGEG) mula sa Synergeia Foundation para sa pangatlong magkakasunod na taon.

 

 

Natanggap ng lungsod ang recognition sa ginanap na 14th National Educational Summit.

 

 

Dalawang local government units lang sa National Capital Region ang nabigyan ng ganung karangalan.

 

 

Pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang sektor ng edukasyon ng lungsod at lahat ng mga kasosyo at stakeholder nito.

 

 

“We are grateful to our teachers, parents, local school boards, school governing councils and all of our education stakeholders for their steadfast commitment to give Navoteño youth the best education possible, whatever the circumstances are,” ani Tiangco.

 

 

Noong nakaraang taon, namigay ang Navotas ng 49,000 NavoSchool-in-a-Box (NavoBox) na isinagawa ng Department of Education’s Learning Continuity Plan for 2020-2021. Ang NavoBox ay naglalaman ng mga textbooks, self-learning modules, worksheets, lesson guides for parents/guardians, school supplies, at hygiene kits.

 

 

 

Kinilala ng Department of Education ang NavoBox bilang isang modelo para sa blended learning delivery at ginamit bilang benchmark ng iba pang mga lungsod sa buong bansa.

 

 

 

Ang Navotas Schools Division Office ay inilunsad din ang Hatid-Aral Project, kung saan ang mga barangay opisyal at mga miyembro ng school governing councils ang tumulong sa paghatid ng NavoBox sa bahay ng mga estudyante para hindi na ito kunin ng mga magulang.

 

 

Itinatag din nito ang Project: Teach-a-Learning Child (Project TLC), kung saan isang volunteer tutor ang tumutulong sa isang mag-aaral sa mga worksheet sa NavoBox. (Richard Mesa)

Other News
  • Jones kabado kay Tyson

    Aminado si Roy Jones Jr. na hindi madaling kalaban si Mike Tyson sa edad na 54  at inaasahan nitong mahihirapan siya sa nakatakda nilang 8-round exhibition fight sa Sept. 12 in Carson, California.   “It’s hard to say. Boxing is a strange sport,”  ani Jones Jr. “A lot of times people say the legs are […]

  • Cleveland employees aayudahan, Love ‘magpapasweldo’

    MAMUMUDMOD ng $100,000 o mahigit P5-M si Cleveland Cavaliers star Kevin Love bilang ayuda sa mga empleyado ng kanilang playing arena na naapektuhan ng suspension ng laro ng NBA dahil sa coronavirus disease.   Ayon kay Love, hindi lamang siya nababahala sa basketball at sa halip ay sa mga tao na nasa likod tuwing sila […]

  • Team Pacquiao, wagi sa MPBL All-Star 2020 3×3

    HINATID ni Alvin Pasaol ang krusyal na puntos sa Team Pacquiao para mahakbangan ang Team Paras, 21-15, at pamayagpagan ang 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League All-Star 2020 3×3 nitong Huwebes sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.   Nagbaon si Pasaol nang mahalagang may walong puntos at iuwi ng kaniyang koponan ang trophy kasama ang […]