• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sean, nag-audition para maging support pero nakuhang bida

MASARAP kausap si Sean De Guzman, ang member ng Clique 5, na bida na sa Anak ng Macho Dancer na produced ng Godfather Productions ni Joed Serrano.

 

 

Wala siyang iniiwasan na tanong. Game siya sumagot sa kahit na anong tanong. Ready rin siya to share anything about his childhood and his family.

 

 

Dahil sa hilig niya sa dancing kaya napasok siya sa Clique 5. When he was younger, sumasayaw siya sa harap ng salamin. Ginagaya niya ang mga dance steps na napapanood niya sa computer. Hiphop ang favorite dance step niya.

 

 

Sean describes himself as “matapang” and “risk taker.”

 

 

“Sumusugal ako sa isang bagay,” wika ng bagitong actor.

 

 

“Kasi po iniwan kami ng father ko kaya siguro naging independent na rin ako. Tinapangan ko ang sarili ko para makabangon sa mga pagsubok sa buhay. ‘Yun po ang nagpatatag sa akin.”

 

 

Ano ang naging effect sa iyo as a person nung iwan kayo ng tatay mo?

 

 

“Naging matapang ako na lumaban kahit na walang-wala ako kasi noong iniwan kami ng father ko, grade 4 ako noon, mga 9 years old yata. That time na iniwan kami ng father ko, yung mother namin nasa ibang bansa. Walang nag-aalaga sa amin. Kaming magkakapatid (he is second to the eldest) pinaghiwa-hiwalay kami. Parang hinati po kami kasi hindi naman ganoon kayaman ang mga relatives naming,” kwento ni Sean.

 

 

Pero hindi ka naman naging malungkot dahil sa experience na iyon?

 

 

May part na malungkot kasi nga sinasabi ko siguro kung di kami iniwan ng father naming, buo pa rin kami. Pero nagpapasalamat din ako dahil sa mga experience na iyon, doon ko nabuo ang sarili ko. Kung hindi ko na-experience yun, siguro wala ako rito ngayon.”

 

 

Best trait daw niya as a person ay ang pagiging pasensiyoso niya. Understanding daw siya sa mga tao at bagay-bagay na nangyayari sa paligid niya. Hindi rin siya nagmamadali. Naniniwala siya na if you are willing to wait, darating sa iyo kung ano ang nakatakdang break.

 

 

Pero inamin din naman ni Sean na dati ay insecure din siya because of the way he looks. Sobrang payat daw niya noon kaya nagpursige siyang mag-workout to improve his physique. Nagbunga naman ang kanyang effort dahil yummy na siya ngayon.

 

 

Masaya naman daw kanyang childhood sa Taguig. Kung minsan daw ay dumadalaw siya sa dati nilang lugar.

 

 

Nag-audition siya to get a role as support cast ng Anak ng Macho Dancer. Pero laging gulat niya nang siya ang napili na magbida sa pelikulang dinirek ni Joel Lamangan.

 

 

Paano mo inihanda ang sarili mo sa mga daring scenes sa pelikula?

 

 

“Talaga pong inaral ko ang script at nakinig sa instructions ni direk Joel. Dinadama ko palagi sa puso ko na si Inno ako. Na yung katotohanan ni Ino ang dapat maipakita sa pelikula. Sa tingin ko naman po ay nagawa ko nang maayos kung ang hinihingi ni Direk Joel for my role,” wika ni Sean.

 

 

“Kailangan kasi ipakita ni Ino kasi, kailangan makita na hindi siya handa noong  una, na pilit, hindi komportable. First time ko dito na maka-experience na pinapanood ng maraming lalaki, bading, mga matrona.  

 

 

As an actor na alam mong pinagnanasaan ka, mahirap siya sa akin kasi hindi naman ako ganun. Naramdaman ko talaga na mahirap pala ang ganitong buhay, na hindi madali. Challenging po talaga ‘yung role.” (Ricky Calderon)

Other News
  • BAGONG PAMBARANGAY TV PROGRAM, ILULUNSAD

    ISANG bagong TV program tungkol sa barangay ang sisimulang ipalabas sa Hunyo 15 sa IBC 13. Ang “Bagong Barangay ng Mamamayan in Action” ay mapapanood tuwing Huwebes, simula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon at sina Cong. Rodante Marcoleta at Dept. of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Felicito “Chito” Valmocina ang magiging host. Ang programa […]

  • Gobyerno, hindi alam kung saan huhugutin ang pondo para sa P401-billion Bayanihan 3 bill

    HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maisip ng pamahalaan kung paano popondohan ang panukalang P401-billion Bayanihan 3 bill.   Layon nito na tulungang makabangon ang ekonomiya mula sa pagkawasak at pagkalugmok dahil sa COVID-19 pandemic.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng Bayanihan 3 measure na inaprubahan sa ikalawang pagbasa […]

  • Stephen Curry umabot na rin sa 5,000 assists milestone, kasabay ng 3-0 win ng Warriors

    Naabot ni Stephen Curry ang franchise history ng Warriors bilang kauna-unahang player ng koponan na narating ang 5,000 assists.     Kasabay ng milestone ni Curry ay nang iposte rin ng Golden State ang ikatlong panalo laban sa Sacramento Kings, 119-107.     Kumamada si Curry ng 27 points na dinagdagan pa niya ng 10 […]