• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec Año itinangging inutusan ang PNP na puntahan ang mga community pantry

Ikinagulat ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang ginagawang pag-iikot ng mga pulis sa iba’t ibang community pantries upang magsagawa umano ng profiling sa organizers nito.

 

 

Ayon kay Año, wala siyang inutos sa PNP na magsagawa ng profiling at hindi na bago ang mga nagsulputang community pantry dahil matagal na itong ginagawa ng mga Pilipino para buhayin ang diwa ng bayanihan.

 

 

Suportado raw ng kalihim ang community pantry at sa katunayan hinimok nito ang publiko na tularan ang ganitong magandang gawain basta’t hindi ito ginagamit bilang propaganda o ‘di kaya’y maging daan para sa pamumulitika.

 

 

Apela na lang ni Año sa mga organizer, tiyakin lang na nasusunod ang minimum health protocols sa paglalatag ng mga paminggalan kontra COVID-19.

 

 

“As long as the intention is good and without political color, it should be encouraged and supported. Since this is a purely voluntary and private initiative, we should not interfere except to ensure that minimum health standards are complied with,“ mensahe pa ni Sec Año. (Daris Jose)

Other News
  • 487K AstraZeneca vaccines darating sa Pinas

    Darating sa Pilipinas ang 487,200 bakuna mula sa AstraZeneca.     Ito ang inanunsiyo ni Sen. Bong Go na sinabing sasalubungin nila ito (Marso 4, Huwebs) ni Pangulong Rodrigo Duterte dakong alas-7 ng gabi sa Villamor Airbase.     Ang nasabing bakuna ay mula sa COVAX facility.     “This is to confirm that the initial […]

  • China aircraft carrier, nagsagawa ng drills sa Philippine Sea

    NAGSAGAWA ang Liaoning aircraft carrier ng high-intensity drills sa Philippine Sea ngayong buwan habang hinahasa naman ng PLA navy ang skills nito.     Sinabi ng Military analysts na ang exercise ay makapagbibigay ng reference point para sa training at operations kapag ang bansa ay nakakuha ng mas advanced carriers     “Ongoing drills involving […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 42) Story by Geraldine Monzon

    NAG-ALALA si Bela nang malaman na nasa ospital si Jeff kaya nagpilit itong sumama kay Manang Sonya. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang at sa kanyang Mama Cecilia. Inihatid sila ni Mang Delfin gamit ang kotse ni Bernard patungo sa ospital.   Nagmamadali sina Bela at Manang Sonya pagpasok sa ospital. Sa information area agad […]