Sec. Cruz-Angeles, tinamaan ng Covid, tuloy ang trabaho sa bahay; PBBM, walang close-contact sa kanya
- Published on August 16, 2022
- by @peoplesbalita
TULOY ang pagtatrabaho ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kabila ng asymptomatic siya sa COVID 19.
Sa kanyang Facebook account, isang video ang ginawa ni Cruz-Angeles kung saan ay sinabi nito na magpapatuloy siya sa pagtatrabaho habang naka-isolate para maka-recover.
“Magandang umaga. Ako po si Trixie Cruz-Angeles, press secretary. Kahapon nagpa-Covid swab test ako, RT-PCR at lumabas ang resulta kaninang umaga. Ako po ay positive for Covid. Kung kaya’t sa bahay muna ako magtatrabaho habang ako ay naka isolation,” ang bahagi ng pahayag ni Cruz-Angeles sa kanyang video.
“Kukunin ko na rin po itong pagkakataon na maghikayat na magpabakuna tayong lahat at magpa booster. Yun lang po. Sana maligaya ang inyong linggo,” ayon kay Cruz-Angeles.
At sa tanong kung may nagkaroon siya ng close contact kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sagot ni Cruz- Angeles ay “The President is fine.” (Daris Jose)
-
WATCH THE FIRST TRAILER OF NEW HORROR FILM “THE INVITATION”
WATCH THE FIRST TRAILER OF NEW HORROR FILM “THE INVITATION” YOU’RE invited to a nightmare generations in the making. Watch the first trailer and save the date for Columbia Pictures’ new horror thriller The Invitation exclusively in cinemas soon across the Philippines. YouTube: https://youtu.be/cHF2a2XZxUk About The […]
-
HOTEL NA ISOLATION SITES, DADAGDAGAN
PLANO ng gobyerno na dagdagan pa ang bilang ng mga kinontratang hotel na gagamitin bilang mga isolation site matapos umabot sa 78 porsyento ang utilization rate ng Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) . Sinabi ni Health Undersecretary and Treatment czar Leopoldo Vega na mayroon mataas na bilang ng mga kahilingan para sa […]
-
Travel ban sa ilan bansa na nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant, extended-Sec. Roque
EXTENDED ang ang travel ban sa ilang mga bansang nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang Hulyo 15 ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang tulad ng United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh. Hindi naman nabanggit niSec. […]