Sec. Lorenzana ‘stable’ ang kondisyon matapos mahilo, nasa hospital ngayon at nagpapahinga – DND
- Published on June 13, 2022
- by @peoplesbalita
NASA maayos na kalagayan ngayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana, matapos na mahilo habang dumadalo sa programa ng ika-124th Independence Day ngayong araw, June 12,2022.
Ayon kay DND head Executive Assistant Peter Paul Galvez, stable ang kalagayan ng kalihim at kasalukuyang nagpapahinga sa isang pribadong hospital.
” Papahingain muna namin kasi puyat, galing siya sa Singapore, tapos the past few days puyat din siya, daming ginagawa,” pahayag ni Galvez.
Nilinaw ni Galvez, na hindi nag collapse ang kalihim at conscious ito.
Samantala, ayon naman kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, batay sa impormasyon na ibinigay sa kaniya, nais na ng kalihim na umuwi pero pinigilan siya ng mga doktor, dahil patuloy pa ang ginagawang obserbasyon sa kaniya.
Kasama ngayon ng kalihim ang kaniyang misis sa hospital.
Sinabi ni Andolong na biglang nanlabot si Secretary Lorenzana kaya bigla itong nahilo.
Kararating lang sa bansa ni Lorenzana kaninang ala-1:00 ng madaling araw mula sa kaniyang biyahe sa abroad.
Nilinaw din ni Andolong na wala pa ang Pangulong Rodrigo Duterte na mangyari ang insidente.
” Sa pagkaka-alam ko wala pa si Pangulong Duterte, parang si Manila Mayor elect Honey Lacuna ang nandoon katabi niya,” pahayag ni Director Andolong. (Daris Jose)
-
2 HULI SA AKTONG IBINEBENTA ANG TINANGAY NA MOTOR
ISINELDA ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya habang ibinebenta ang kanilang tinangay na motor sa Navotas City sa isang tindahan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Maj. Jessie Misal, hepe ng Northern Police District-District Anti-Carnapping Unit (NPD-DACU) ang mga naarestong suspek na sina Christian Lecaros, 20 ng Tondo, Manila […]
-
Malakanyang, pinanindigan na ‘equally effective’ ang lahat ng bakuna laban sa Covid-19 sa bansa
PINANINDIGAN ng Malakanyang na ‘equally effective’ ang lahat ng bakuna laban sa lahat ng variants ng coronavirus sa bansa. Kabilang na rito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang Chinese vaccine Sinovac, na lumabas na pabago-bago sa findings ng Food and Drug Administration (FDA). Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sa […]
-
Training ni Obiena sagot na ng PSC
WALA nang dapat alalahanin si pole vaulter Ernest John Obiena tungkol sa kanyang gastusin para sa paghahanda sa 2021 Olympic Games. Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanyang pondong gagamitin para sa mga lalahukang torneo hanggang sa 2021 Olympics na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo. “The budget for EJ, from now […]