• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, handa nang magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo

HANDA na si Presidential Spokesperson Harry Roque na magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo.

 

Kung si Pangulong Rodrigo Roa Duterte aniya ay ito na ang huling State Of the Nation Address (SONA) ay siya naman ay huling SONA niya rin ito bilang tagapagsalita ng Pangulo.

 

“At bagama’t ito pong SONA na ito ay …..ito na rin ang kahuli-hulihang SONA ko bilang tagapagsalita, so hindi lang po si Presidente ang magpapaalam,” anito.

 

Sa ngayon ay patuloy ang gagawin niyang pakikipagtulungan sa mga miyembro ng media at pagdadala ng mga balita at mga impormasyon na nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

 

Sinabi pa niya na nagagalak siya sa pagkakataon na naibigay sa kanya para maging instrumento na isulong ang freedom of information ng taumbayan.

 

Sa kabilang dako, magpapa-schedule naman si Sec. Roque ng “thorough physical check-up” bago po dumating ang buwan ng Setyembre para malaman kung ano talaga ang estado ng kanyang kalusugan.

 

Ayaw namang umasa ni Sec. Roque sa kung ano ang magiging resulta ng kanyang medical conddition sa naka-iskedyul na pagpapa-check up niya.

 

“Well, titingnan po muna natin iyan. Ayaw ko na po munang umasa ‘no dahil noong minsan, tayo po ay umaasa eh hindi naman pupuwede dahil sa ating medical condition ‘no. So pinagdadasal po natin iyan at titingnan po natin kung ano ang sasabihin ng mga doktor,” ayon kay Sec. Roque.

 

Samantala, isa si Sec.Roque sa sinasabing kasama sa inisyal na listahan ng inaayos ng Pangulo na magiging manok nito sa pagka-senador sa 2022 elections. (Daris Jose)

Other News
  • Tinaguriang kanang kamay ni Pope Francis nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang tinuturing na kanang kamay ni Pope Francis na si Cardinal Pietro Parolin.     Kinumpirma ni Vatican spokesman Matteo Bruni ang pagpositibo sa virus ng 67-anyos na ikalawang mataas na opisyal ng Vatican.     Kasalukuyan na rin itong naka-isolate matapos na makaranas ng katamtamang sintomas mula sa nasabing sakit.   […]

  • Tuloy ang suporta ng PSC sa mga national teams

    Bagama’t apektado ng pandemya ang kanilang pondo ay todo-bigay pa rin ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagsuporta sa mga national athletes na tumatarget ng silya sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Ang dalawang national team na binuhusan ng pondo ng sports agency para sa kanilang paglahok sa Olympic qualifying tournaments ay […]

  • PhiSys malapit ng maabot ang 50-M national ID na target

    KUMPIYANSA  ang PhilSys Government Service na maabot nila ang 50-milyon target na national ID na dapat mai-release noong nakaraang taon.     Umabot na kasi sa 23-milyon na physical ID ang kanilang nai-release habang mayroong 19 milyon na electronic Pil ID ang nairelease.     Target nila ngayong taon na mairelease ang 92 milyon na […]