Sec.Roque, ibinala ni Pangulong Duterte sa ‘debate’ laban kay Carpio
- Published on May 11, 2021
- by @peoplesbalita
SA HALIP na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kumasa sa debate na tinanggap ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ay si Presidential Spokeperson Harry Roque ang makakaharap nito.
Sinabi ni Sec. Roque na itinalaga siya ni Pangulong Duterte na siyang makipag-debate kay Carpio.
” Pero tuloy po ang debate. eh, ang sabi po ni Presidente kung papayag si Antonio Carpio..tuloy po ang debate dahil importante po naman na marinig ang mga ideas para ang taumbayan ang makagawa ng konklusyon. Ang sabi po ni Presidente na itinatalaga niya po ang inyong abang lingkod na makipag-debate kay retired Justice Antonio Carpio at tinanggap ko naman po ang pagtatalaga ni Presidente,” pagtiyak ni Sec. Roque.
Sabihin lamangsa kanya ng Philippine Bar Association (PBA) kung kailan at saan ang debate at sisipot siya doon.
“Pero ang pagde-debatehan po…malinaw. Unang-una, sino ang responsable sa pagkawala ng teritoryo ng Pilipinas? Si Presidente Duterte ba o ang ibang administrasyon? Pangalawa, tama ba ang sinasabi ni Antonio Carpio na binalewala ni Presidente ang panalo natin doon sa The Hague Tribunal? At kung gusto niya, pangatlo, eh tama ba po na namimigay ng teritoryo ang Presidente Duterte. Ang sabi po nila, kaya nga po natin pinapahalagahan ang debate, ang malayang pananalita dahil “the truth test of truth is the power of an idea to be accepted in the free market place of ideas,” ang pahayag ni Sec.Roque.
“Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, it owuld be a pleasure to debate against you. I’ll see you at the designated time and place,” an hamon ni Sec. Roque.
Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na totoong hinamon ni Pangulong Duterte si Justice Carpio sa debate pero ang debate aniya ay dalawang bagay.
“Sino ba ho ang responsable sa pagkawala ng Scarborough Shoal? Eh iyong detalye po na sinabi ni Antonio Carpio sa kanyang gustong maging debate eh kung kabahagi raw po si retired Justice Carpio doon sa pagkawala ng Scarborough Shoal. Hindi naman po iyon.. hindi naman po iyon ang subject matter ng debate. Ang subject matter po ng debate ay “sino at anong administrasyon ang naging dahilan kung kelan nawala po sa Pilipinas ang possession sa Scarborough Shoal at kung gusto ninyo, itanong na rin natin.. “sino at anong administrasyon na nawala sa atin ang Mischief Reef?,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Aniya, bagama’t handang-handa na si Pangulong Duterte sa debate laban kay Carpio ay kagabi aniya, Mayo 6 ay tinanggap naman ng Pangulo ang payo ng ilan sa mga miyembro ng kanyang gabinete kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea.
“Ang sabi po ng ating mga gabinete at sinusugan pa po ito ng dalawang senador.. si Senate President (Tito) Sotto at Senador (Aquilino) Pimentel (Jr.) na wala pong mabuting magiging resulta itong debateng ito para sa sambayanang Filipino,” aniya pa rin.
“Pangalawa po ay nanindigan naman ang mga miyembro ng gabinete na bakit papayag sa debate eh nakaupong Presidente si Presidente Duterte at si Atty. Antonio Carpio bagama’t isa siyang dating mahistrado ay abogado na ngayon. Parang hindi naman po yata tabla ano? Na ang Office of the President o ang Presidente mismo ay haharap sa isang ordinaryong mambabatas parang.. hindi po patas,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
“At ang pangatlo at pinaka-importante ay sinabihan po ang Presidente ng ating mga miyembro ng gabinete na napakahirap po na mag-participate si Presidente sa ganyang debate. Bakit po? kasi po nakaupo pa siyang Presidente. At ibig sabihin, lahat ng masasabi ng Presidente doon sa debateng iyon ay makakaapekto po sa mga polisiya ng gobyerno. Hindi na po mababawi ang pupuwedeng sabihin ng Presidente sa debateng iyon bukod pa sa katotohanan na kaya nga po tayo may tinatawag na executive privilege noh? iyong mga bagay-bagay na hindi dapat isapubliko para makagawa ng mga tamang desisyon bagama’t hindi popular na desisyon ng isang Presidente. Mako-compromise po iyong mga bagay-bagay na ito, iyong mga impormasyon na ito… kung papayag po at ituloy ng Presidente ang pag-debate kay dating SC Justice Antonio Carpio,” litanya ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Gobyerno ng Pinas, NDF nagkasundo sa “principled, peaceful armed conflict resolution”
KAPWA nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front (NDF), political wing ng Communist Party of the Philippines’ (CPP) sa isang “principled and peaceful resolution of the armed conflict.” Matapos na lagdaan ng Philippine government at NDF ang isang joint statement sa Oslo, Norway noong Nobyembre 23. “Cognizant of the […]
-
Mahigit 3K katao, stranded sa mga pantalan sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Kristine – PCG
INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahigit 3, 418 pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded sa 34 na mga pantalan sa Luzon at Visayas nitong umaga ng Martes dahil sa epekto ng bagyong Kristine. Sa kabuuan, nasa 162 indibidwal ang stranded sa mga pantalan sa southern Tagalog, 1,299 sa Bicol […]
-
Ads September 10, 2024