• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, naka-isolation

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na siya ay naka- isolation makaraang ang isa sa miyembro ng kanyang staff ay nagpositibo sa Covid-19. 

 

Negatibo naman si Sec. Roque nang sumailalim sa pathogen test.

 

Sa kabila ng naka-isolation ay sasama naman si Sec. Roque sa Inter-Agency Task Force against COVID-19 meeting mamya sa pamamagitan ng online.

 

Sinabi rin niya na may akatakdang public address si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mamyang gabi.

 

“Opo, mayroon po. I will be joining online ‘no kasi nga po mas mabuti na—bagama’t ako po’y nag-PCR test kahapon at negative for the meeting today, eh dahil nga po mayroong exposure, we need to give the example and I will follow the protocol. So I will be joining online po,” anito.

 

Sa kabilang dako, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na si Roque, na nagsisilbi ring tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force against COVID-19 ay sumailalim sa isolation sa panahon ng pandemiya. (Daris Jose)

Other News
  • Panukalang nationwide, Luzon-wide academic break kinontra ng CHED

    Tinabla ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga panawagang magpatupad ng academic break sa buong bansa o sa Luzon kasunod ng serye ng mga bagyong tumama sa Pilipinas.   Una rito, ilang mga pamatasan ang nagpatupad ng isang linggong class suspension dahil sa iniwang epekto ng mga bagyo, na nagdulot ng problema sa distance […]

  • Sony Announces Brad Pitt’s Action Movie ‘Bullet Train’ Release Date

    SONY has announced that Brad Pitt‘s new action movie Bullet Train will pull into the station on April 8, 2022 — and yes, the star-studded film will play in IMAX theaters and other large premium formats.     David Leitch directed the high-octane movie, which follows a group of assassins on a train in Tokyo.     Pitt stars […]

  • DOST tutulungan ang LRT 1 sa pagkukumpuni ng mga trains

    Inaasahang sisimulan na ngayon buwan ng Department of Science and Technology – Metals Industry Research and Development Center (DOST-MIRDC) ang pagbibigay ng tulong sa LRT1 consortium para sa pagkukumpuni at pagaayos ng mga lumang light rail vehicles (LRVs).     Nilagdaan ng DOST-MIRDC at Light Rail Manila Corp (LRMC) ang isang memorandum of understanding noong […]