• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, pinalagan ang patutsada ni Sen. Gordon

PINALAGAN at pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakikialam at nakikisawsaw siya sa sigalot sa pagitan ng Philippine Red Cross’ (PRC) at Philippine Health In- surance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa unpaid COVID-19 tests.

 

Ayon kay Sec. Roque, ang kanyang mga pahayag sa usapin ay bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“Hindi naman ho tayo nanghihimasok sa issue ng PhilHealth at ng Philippine Red Cross. Kaya nga lang po, nagsasalita po tayo sa ngalan ng ating Presidente,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Importante po talaga kay Presidente Duterte ang testing dahil alam po natin na napaka- importanteng kabahagi ito ng ating istratehiya laban po sa COVID- 19—ang malawakang COVID-19 testing,” dagdag na pahauag nito.

 

Tinukoy din ni Sec. Roque ang kanyang adbokasiya ukol sa universal health coverage.

 

Si Sec. Roque ay dating mambabatas na siyang nag- isponsor ng pagpapasa ng Universal Health Care Act in Congress.

 

Sa ulat, binanatan ni Gordon si Sec.Roque at sinabihang huwag nang makialam sa usapin sa PhilHealth.

 

Ipinapanukala kasi ni Roque sa PRC na tanggapin ang donasyong test kits ng Dept. of Health, pero giit ni Gordon, hindi pwede dahil ito ay overpriced.

 

Gabi ng Martes, Oktubre 27, nagbayad ng P500 milyon ang PhilHealth sa PRC at nangakong babayaran ng pautay-utay ang balanse.

 

Madaragdagan pa ng panibagong 35 million pesos ang utang ng PhilHealth kahit nagbayad na ito ng kalahating milyong piso sa Philippine Red Cross para sa COVID-19 swab test ng mga umuuwing OFWs.

 

Sinabi ni Gordon na sa pagbabalik ng kanilang serbisyo, aabot sa 10,000 na sponsored OFWs ang kanilang ite-test na katumbas ng 35 million pesos. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, magkakaroon ng anim na bilateral meetings sa sidelines ng APEC summit

    MAY anim na bilateral meetings ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.     “Yes, the President is having bilateral meetings with six counterparts. The arrangements are still being finalized so I’m not at liberty to disclose yet at this time which economies and leaders […]

  • Nagpasalamat sa mga patuloy na nagdarasal: KRIS, nag-post ng Christmas message at nag-update sa health niya

    KINATUWA tiyak ng mga nagmamahal kay Kris Aquino ang muling pagbabalik ni Kris sa social media.     Tiyempo pa namang Pasko nang mag-post muli si Kris sa kanyang IG account, isang buwan mula noong huli siyang naging aktibo sa kanyang IG account.     Update na may kinalaman sa post niya a month ago […]

  • Mura, mabilis na annulment mas bet ni Chiz kesa divorce

    SA HALIP na diborsiyo, nais ni ­Senate President Francis “Chiz” Escudero na isulong ang mura at accessible na annulment.       “Ang personal stand ko ay ito: mas nais kong palawakin at affordable at accessible ‘yung annulment na nasa family code natin ngayon,” ani Escudero.     Ginawa ni Escudero ang pahayag kasunod ng […]