Sec. Roque, walang narinig na binatikos mula kay Pangulong Duterte para kay Mayor Isko
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI maunawaan ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit binabatikos ng progressive group na Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Roa Duterte gayong hindi naman pinangalanan ng Chief Executive ang Alkalde na sinasabi niyang “disorganisado” sa pagbibigay ng ayuda at pagtatakda ng bakuna sa kanyang mga nasasakupan.
Nauna nang sinabi ng militanteng grupong makabayan na malisyoso di umano ang ginawang pag-atakeng ito ng Chief Executive kay Manila Mayor Isko Moreno at may kinalaman din umano ito sa politika dahil malaki ang posibilidad na maging presidential bet daw ang Alkalde sa 2022 election.
Binigyang diin ni Sec.Roque, wala siyang narinig na binatikos ni Pangulong Duterte si Mayor Isko nang maglabas ito ng sama ng loob laban sa isang metro manila mayor na hindi naging maayos ang pangangasiwa sa lugar kung saan nangyayari ang pagbabakuna.
Sinabi pa ni Sec. Roque na wala ring lumabas sa bibig ng Pangulo na anumang pangalan ng isang alkalde.
Giit nito, kung hindi man aniya sinabi ni Pangulong Duterte kung sino ang tinutukoy nitong Alkalde ng Kalakhang Maynila, desisyon aniya ito ng Punong Ehekutibo at hayaan na lamang na manatili itong isang blind item na mula sa Pangulo. (Daris Jose)
-
INDAY SARA: PROTEKTAHAN NATIN SI BBM!
HINIMOK ni vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang milyun-milyong supporters na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang mapagkaisa nilang tambalan na BBM-Sara Uniteam. “Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo […]
-
Rider todas sa araro ng SUV sa Bulacan
Patay ang isang 24-anyos binatang motorcycle rider matapos masagasaan at araruhin pa ng humaharurot na sports utility vehicle sa bayan ng Guiguinto. Sa report ni Guiguinto acting chief of police, P/Maj. Rolando Geronimo, kinilala ang biktima na si EhdGlenn Fajardo, residente ng Wawa St. Bagong Barrio, Balagtas. Tumakas ang driver ng puting Kia […]
-
Pinay futsal team bigo kontra sa Vietnam 6-1
MULING nakalasap ng pagkatalo ang Philippine women’s national futsal team laban sa Vietnam sa score na 6-1 sa ASEAN Women’s Championship na ginaganap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig. Ito na ang pangalawang magkasunod na pagkatalo ng The Pinay na una ay sa Thailand. Sa unang laro ng Pinay 5 […]