Seguridad sa Pista ng Itim na Nazareno ‘all-set’na
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
All- set na ang lahat para sa paggunita sa tradisyunal na Traslacion ngayong 2021 ng Pista ng Itim na Nazareno na nakatakda ngayong araw, January 9 sa Quiapo, Maynila.
Ito ang tiniyak ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kanselado kasi ngayon ang prusisyon dahil sa umiiral na COVID -19 Pandemic.
Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Director P/BGen. Vicente Danao Jr, nasa humigit kumulang 27,000 na police personnel ang ipinakalat nila sa lungsod ng Maynila para magbigay seguridad at tiyakin na nasusunod ang minimum health protocol.
Ang aktibidad sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno ay magkakaroon lamang ng misa sa simbahan ng Quiapo na simultaneous sa tatlo pang simbahan sa San Sebastian Basilica, Sta. Cruz Church at Nazarene Catholic School Gymnasium.
Layon nito para hindi magsiksikan ang mga deboto sa Quiapo church.
Kasunod nito, pinaalalahanan ni Danao ang mga deboto na sundin ang ipinatutupad na minimum health protocols, huwag magdala ng backpack at mga may kulay na sisidlan bilang bahagi ng seguridad.
Binigyang diin pa ng NCRPO Chief, bagama’t kanselado ang mga nakagawiang aktibidad sa Traslacion tulad ng Prusisyon ng Poon, malaking hamon pa rin sa kanila kung paano masusunod ang Physical Distancing lalo’t inaasahang dagsa ang mga deboto ngayon.
Nanawagan si Danao sa mga deboto na dapat sumunod sila sa mga ipinatutupad na panuntunan kung talagang totoo at dalisay ang kanilang pagmamahal sa Diyos. (ARA ROMERO)
-
LTO tutulong sa panghuhuli ng EDSA bus lane violators
TUTULONG ang Land Transportation Office (LTO) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panghuhuli ng mga motoristang ilegal na gumagamit ng EDSA bus lane. Maglalagay ng kanilang sariling tauhan ang LTO upang manghuli ng mga motoristang ilegal na dumadan sa EDSA bus carousel. Ito ang pinayahag ni LTO assistant […]
-
Nasaid ang savings at wala ng pangkain: ABDUL, malaki ang pasasalamat sa ginawang pagtulong ni DENNIS
MARAMI ang hindi nakakaalam, pero malaki pala ang pasasalamat ni Abdul Rahman sa Kapuso actor na si Dennis Trillo. Kung matatandaan, dumating na sa punto si Abdul during pandemic na na-stroke ang nanay niya, nasaid ang savings niya at talagang humingi na ito ng tulong pinansiyal. At that time, nagkasama sina Abdul at Dennis sa […]
-
PATAKARAN SA KAMPANYA, IPATUPAD
PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa mga paghihigpit na ipatutupad para sa personal na pangangampanya, bukod sa iba pang mga patakaran habang nagsisimula ang 90-araw na campaign period para sa mga pambansang kandidato kahapon, Feb.8 Sinabi ni Comelec’ Education and Information Department (EID) Director Elaiza David sa Laging Handa […]