• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sektor na malapit sa kanyang puso: Sen. IMEE, nakipag-bonding sa mga millennial na magsasaka

ISASARA ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog series para sa buwan ng Enero sa pamamagitan ng two-part special na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel kasama ang mga sektor na malapit sa kanyang puso – ang mga magsasaka at ang kabataan.

 

 

Sa araw na ito, Enero 27 at sa Sabado, Enero 28, ipakikita ng walang kapagurang mambabatas ang mga highlights ng katatapos lamang na kanyang pagbisita sa Candaba, Pampanga kung saan nakipag-bonding siya sa mga millennial na magsasaka sa Candaba Trade Center sa isang pagtitipon na pinamagatang ‘Kumustahan With Young Famers’.

 

 

Nakipag-tsikahan ang Super Ate na si Imee sa mga farmer-entrepreneurs sa isang dialogo kung saan pinag-usapan nila ang mga isyu na nakakaapekto sa industriyang pang-agrikultura ng bansa.

 

Ipinagmalaki din ng mga kabataang magsasaka ang kanilang iba’t-ibang produkto na talaga namang ikinatuwa ni Imee – mula sa iba’t-ibang mga gulay hanggang sa sibuyas, itlog ng itik, at litsugas hanggang sa kakaiba at Pinoy na Pinoy na Malunggay ice cream, na kaagad na naging paborito ng Senadora.

 

 

Samahan sina Senadora Imee at ang mga batang agriculturists ng Pampanga sa kakaiba at nagbibigay liwanag na farming experience na ito at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads April 5, 2024

  • Mga suspek sa Salilig hazing, pinasasailalim sa BI watchlist

    NAKIKIPAG-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) upang isailalim sa immigration lookout bulletin ang mga suspect sa pagkamatay ng hazing victim na si John Matthew Salilig ng Adamson University.     Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. kailangan na maalerto ang Bureau of Immigration upang mapigilang makalabas ng […]

  • Sa ilalim ng programang “NO WOMAN LEFT BEHIND” ng QC LGU, 19 na babaeng PDL naka-graduate at may degree na

    NAKAKUHA ng degree sa Bachelor of Science in Entrepreneurship ang labing siyam na babaeng PDL o Person Deprived of Liberty sa ilalim ng programang “No Woman Left Behind” ng Quezon City Government.     Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nakatataba ng puso na makitang mayroon ng college degree ang mga PDL at patunay […]