Sekyu kulong sa pagbabanta at panunutok ng baril sa kinakasama
- Published on January 16, 2024
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang 39-anyos na sekyu matapos tutukan ng baril at hablutin ang buhok ng kanyang kinakasama nang maibigay ang ginang ng perang pambili nila ng pagkain sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. ang naarestong suspek na si alyas “Aguilar” ng Brgy. Pasolo na nahaharap sa mga kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, at R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Sa imbestigasyon nina P/SSg. Julius Congson at P/CMS Laerma Sarmiento, tinutukan ng baril ni Aguilar ang kanyang live-in partner na si alyas “Marian”, 44, nang magtalo sila matapos hindi makapagbigay ng perang pambili ng pagkain ang ginang.
Hindi pa nasiyahan, hinatak ng suspek ang buhok ng ginang at sinabihan ng katagang “Magpok-pok ka na lang, kikita ka pa ng P1,500 kada araw,” bago hinila na palabas ng bahay para palayasin.
Nagtungo naman sa kanyang tindahan ang ginang subalit sinundan pa rin siya ng suspek saka tinakot na “Gusto mo paghiwalayin ko ang katawan mo? Itago ko ang ulo mo?”.
Dito na humingi ng tulong ang biktima kina P/SSg Cherry Signap at Pat Jonas Villaflor ng Malitan Police Sub-Station 4 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .9mm pistola na may walong bala na nakalagay na magazine na nakasukbit pa sa kanyang baywang gamit ang isang holster. (Richard Mesa)
-
Ads July 29, 2024
-
“RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY” UNLEASHES NEW TRAILER
EVIL can’t be contained. Watch the new trailer for Columbia Pictures’ Resident Evil: Welcome To Raccoon City now. Exclusively in Philippine cinemas starting December 15, 2021. YouTube: https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k About Resident Evil: Welcome to Raccoon City Returning to the origins of the massively popular Resident Evil franchise, fan and filmmaker Johannes Roberts brings the […]
-
MC Taxi expansion, tigil na – LTFRB
ITINIGIL na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Motorcycle Taxi expansion o ang pagpaparami pa ng bilang ng mga Motorcycle taxi na magsasakay ng mga pasahero. Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, head ng Technical Working Group para sa pilot study ng MC Taxi service sa bansa, magsusumite na ang […]