• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sekyu kulong sa pagbabanta at panunutok ng baril sa kinakasama

KALABOSO ang 39-anyos na sekyu matapos tutukan ng baril at hablutin ang buhok ng kanyang kinakasama nang maibigay ang ginang ng perang pambili nila ng pagkain sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. ang naarestong suspek na si alyas “Aguilar” ng Brgy. Pasolo na nahaharap sa mga kasong paglabag sa R.A. 9262 o  Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, at R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/SSg. Julius Congson at P/CMS Laerma Sarmiento, tinutukan ng baril ni Aguilar ang kanyang live-in partner na si alyas “Marian”, 44, nang magtalo sila matapos hindi makapagbigay ng perang pambili ng pagkain ang ginang.

 

 

Hindi pa nasiyahan, hinatak ng suspek ang buhok ng ginang at sinabihan ng katagang “Magpok-pok ka na lang, kikita ka pa ng P1,500 kada araw,” bago hinila na palabas ng bahay para palayasin.

 

 

Nagtungo naman sa kanyang tindahan ang ginang subalit sinundan pa rin siya ng suspek saka tinakot na “Gusto mo paghiwalayin ko ang katawan mo? Itago ko ang ulo mo?”.

 

 

Dito na humingi ng tulong ang biktima kina P/SSg Cherry Signap at Pat Jonas Villaflor ng Malitan Police Sub-Station 4 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .9mm pistola na may walong bala na nakalagay na magazine na nakasukbit pa sa kanyang baywang gamit ang isang holster. (Richard Mesa)

Other News
  • Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

    Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.   Matatandaang kabilang  ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.   Sisipa ang FIFA Women’s World […]

  • Makakasama sina Gabbi, Sanya at Kylie: SUNSHINE, balik-Kapuso na after ng isang project sa Kapamilya network

    MATAPOS ipaghanda at imbitahan ni Bea Alonzo sa isang merienda-dinner para sa kanilang Aeta neighbors sa Beati Farm sa Iba, Zambales, pinaratangan pa siya ng isang netizen na may Twitter account na @ALOyoutoo.     Inagaw raw niya ang lupa na pag-aari ng mga katutubo at tweet nito, “That’s nice, now how about giving their […]

  • Senglot na sekyu, shoot sa huyo

    NAGPULASAN sa takot ang mga tao sa harap ng isang sikat na coffee house nang magwasiwas ng hawak na baril ang isang senglot na sekyu sa Caloocan City.           Sa ulat, nagpapatrulya ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan sa kahabaan ng EDSA, Brgy. 86, nang […]