• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sekyu na tumodas sa bading sa Valenzuela, timbog

ARESTADO ang isang security guard na tumodas sa bading na streetsweeper sa Valenzuela City nang matunton ng pulisya sa pinagtaguang lugar sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Hindi nakapalag ang suspek na si alyas “Tanieca”, 25, nang dakmain siya ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. dakong alas-2 ng hapon sa Seminary Road, Project 8, Quezon City, sa tulong na rin ng kuha ng mga CCTV at pakikipagtulungan ng kasamahang security guard ng salarin.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura, nangyari ang insidente ng pamamaril sa biktimang si alyas “Glemor”, 41, ng Ilang-Ilang St. Brgy. Maysan nitong Linggo ng gabi, Abril 7, sa Bypass Road, Brgy. Veinte Reales.
Sa pahayag ng testigong si alyas “Sarmeo” kay P/Cpt Armando Delima, hepe ng Investigation Unit, nagkita sila ng biktima sa lugar para mang “hala” ng lalaki nang dumating ang suspek dakong alas-10 ng gabi na kaagad niyang inalok na makipag-sex subalit hindi umano sila nagkasundo sa presyo.
Ang biktima naman aniya ang kumausap kay Tanieca at bahagya silang lumayo habang nag-uusap pero ilang minuto lang ay binaril na ng suspek ang kanyang kasama bago tumakas, tangay ang bisikleta at cellphone ng nasawi.
Isinugod naman ang biktima sa Valenzuela Medical Center subalit, idineklara siyang dead-on-arrival.
Positibong kinilala ni Sarmeo ang suspek habang nabawi rin ng pulisya sa kanya ang tinangay na bisikleta at mobile phone ng biktima na may kabuuang halagang P15,500, pati na ang kalibre .38 revolver na may karga pang apat na bala na ginamit niya sa pamamaril.
Ipiprisinta ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutor’s Office ang suspek para sa inquest proceedings kaugnay sa kasong robbery with homicide na isasampa laban sa kanya. (Richard Mesa)
Other News
  • Kelot na walang facemask huli sa marijuana

    NABISTO ang dalang illegal na droga ng isang kelot nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong suspek bilang si Dante Avila, 29 ng Barangay 150, Bagong […]

  • Naniniwala na may competition kahit saan: BILLY, open pa rin sa possibility na mag-work sa alinmang noontime shows

    OPEN pala si Billy Crawford sa possibility na magtrabaho sa alinmang noontime shows ngayon na umeere sa magkakaibang TV networks.       Huling noontime show ni Billy ay “Tropang LOL” ng Brightlight Productions.     Ongoing noontime shows ngayon ay “It’s Showtime” ng Kapamilya Network sa GTV at A2Z, “Eat Bulaga” sa GMA-7 at “E.A.T.” […]

  • MEET THE “BULLET TRAIN” CHARACTERS IN THEIR SOLO POSTERS

    “They’re all in it together, whether they like it or not.” Check out the new posters for Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train and meet these characters exclusively in cinemas across the Philippines August 03, 2022.   Brad Pitt as Ladybug: He’s just trying to forget what he does for a living.   Zazie Beetz as The Hornet:  Don’t […]