• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sekyu pinagsasaksak ng 2 kainuman, kritikal

Nasa kritikal na kondisyon ang isang security guard matapos pagsasaksakin ng dalawang factory workers makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.

 

Kasalukuyang inoobserbahan sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Kevin Navarro, 28 ng 290 Magat Salamat St. Brgy. Daanghari.

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, kaagad namang naaresto ng mga tauhan ng San Roque Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/EMSgt. Elizardo Oriendo sa follow-up operation ang mga suspek na sina Wilmar Casipit, 22 ng 497 Gov. A. Pascual St. Brgy. Daang Hari at Ricardo Eballar, 18 ng Estrella St. Brgy. East Navotas.

 

Sinabi ni Col. Balasabas, bago naganap ang insidente, nagkaroon ng inuman ang biktima at mga suspek sa Magat Salamat St. malapit sa bahay ni Navarro.

 

Dakong 3:30 ng madaling araw nang magkaroon ng argumento sa pagitan ng biktima at mga suspek at sa kainitan ng kanilang pagtatalo ay naglabas ng patalim si Eballar at Casipit saka pinagtulungan pagsasaksakin sa katawan si Navarro.

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ng kanyang kapatid ang biktima sa naturang pagamutan. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal

    LUNGSOD NG MALOLOS – Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang pasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang bagong Outpatient Department ng Bulacan Medical Center sa isang programa na isinagawa sa bagong OPD building na matatagpuan sa Bulacan Medical Center Compound, Brgy. Guinhawa dito […]

  • BTS, pasok na sa 2022 Hall of Fame ng ‘Guinness World Record’ dahil sa naitalang 23 world records

    LAST September 2, in-announce ng Guinness World Records na ang K-pop superstars and Grammy nominees na BTS ay pasok na sa 2022 Hall of Fame dahil sa nagawa ng South Korean boy group na 23 world records.     “At the moment of writing the group holds a staggering 23 world records, making them one […]

  • Pamamahagi ng ayuda sa NCR nasa P4.5-B na – Sec. Año

    Iniulat ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa kabuuang P4.5 billion mula sa P11.2 billion ayuda na ang naipamahagi ng gobyerno as of August 16, 2021 sa mga beneficiaries sa National Capital Region (NCR) simula ng isailalim ito sa enhanced community quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang August 20, 2021. […]