SEKYU TODAS SA DALAWANG KABARO
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang security guard matapos barilin at mapatay ang 21-anyos na security guard na mula sa ibang agency kasunod ng isang kaguluhan sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa katawan si Yasser Ampuan ng Prostegein Security Agency at residente ng North Fairfiew, Quezon city.
Nadakip naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 3 ang mga suspek na kinilalang si Edward Pahila, 42 at Rey Anthony Sabanal, 38, kapwa ng Giross Security Agency.
Ayon kina police homicide investigator P/SSgt. Ernie Baroy, nasa kanilang puwesto ang mga suspek sa 7210 BNM Dulong Bautista St. Brgy. Panghulo nang dumating ang biktima, kasama ang tatlo pang security guards alas-7:39 ng gabi at sinabi sa mga suspek na ang kanilang security agency ay magtatalaga ng isang duty guard malapit sa kanilang post.
Isang kaguluhan ang sumunod hanggang sa magpaputok ng warning shot ang mga suspek bago itinutok ang kanilang baril sa biktima at binaril ito sa katawan na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Napag-alaman ng mga imbestigador na ang lugar na binabantayan ng mga suspek ay nahaharap sa alitan sa lupa sa pagitan ng dalawang partido na parehong inaangkin na pagmamay-ari nila ang lupa. (Richard Mesa)
-
Wong bumawi agad, todo kaway-ngiti sa Palawan
Iba’t iba ang komento mula ng mga netizen sa viral video na todo ngiti na at pang-Miss U pa ang kaway ni Premier Volleyball League star Deanna Wong habang nakabakasyon sa El Nido, Palawan kasama ang girlfriend na si Ivy Lacsina. Isang netizen na nakakita kay Wong ang nagbahagi ng viral video Huwebes kung saan […]
-
Dating Pangulong Noynoy Aquino pumanaw sa edad na 61
Binawian na ng buhay si dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III matapos ang mga ulat na isinugod sa ospital ngayong Huwebes. Sinasabing sumasailalim si Aquino sa dialysis at nagpa-angioplasty. Meron din siyang diabetes at lung cancer, wika ng isang kaibigan na malapit sa kanyang pamilya. Si Aquino, na anak nina dating […]
-
Deltacron binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center matapos na ma-detect sa Amerika at Europa
Binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center ang bagong variant ng COVID-19 na Deltacron. Ito ay matapos na mapaulat na kumpirmadong na-detect ito sa 17 mga pasyente mula sa Amerika at Europa. Ang Deltacron ay taglay ang magkahalong katangian ng Delta at Omicron variant ng COVID-19. Sa ngayon ay naghihintay […]