• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Self-doubt, nawala dahil sa tulong nina Direk Irene: JULIA, super proud and blessed na maka-trabaho si ALDEN

HINDI nga napigilan nina Alden Richards at Julia Montes na maging emotional nang matanong sa kanilang first team-up sa pinag-uusapang movie na ‘Five Breakups and a Romance’.

 

 

Mapapanood na ito sa October 18 mga sinehan nationwide at produced ng Cornerstone Studio, GMA Pictures at Myriad Entertainment.

 

 

Sa ginanap na Red Carpet Gala at Official Trailer World Premiere para sa pelikula noong October 4 sa GMA Annex Bldg. Studio 7, first question pa lang ay hindi nga napigilan ng dalawang bida na maiyak, habang nagkukuwento ng kanilang experience sa ‘di inaasahang pagtatambal.

 

 

Ibinahagi nga si Julia kung gaano kahalaga sa kanya ang movie na ito at ang makatrabaho si Alden.

 

 

Sobrang flattered nga siya nang malamang 11 years ago pa nang sinabi ng aktor na wish niyang magkasama sila, at nagkatotoo naman sa taong ito.

 

 

“I can say, I was very blessed to be part of this film. And to be fair with Alden, bukod sa palagi nating naririnig na good side ni Alden. He really proved to me that he is very generous and talented.

 

 

“I’ll take this opportunity, nae-emotional ako, ba’t ganun?,” teary-eyed na sabi ni Julia.

 

 

“Super proud ako kasi big part siya (Alden) nito. This film is really special to me. This group really made an impact sa akin.

 

 

“So, I think kita naman, ‘di ba? No words can express how happy and blessed to be part of this film, and really one for the book talaga ito.

 

 

“Naniniwala ako na, in God’s perfect time, ibibigay sa ‘yo ang project na maha-happy ka, sa soul mo, na alam mong ‘Thank you Lord’, ito ‘yun.”

 

 

Dagdag pa ni Julia, “Mayroon po kasi akong mahiyain side and self-doubt, sobrang taas po ‘yun sa akin. Pero in this film, these two wonderful people (Alden and Direk Irene Villamor) made me realize na I can do it. Sila ‘yung nagtiwala.”

 

 

“Parang sabi ko nga po, if they want to jump, I will jump, definitely with them,” pagpapatuloy pa niya.

 

 

Kuwento naman ni Alden sa kanilang pagtatambal, “When we started this film, Direk Irene, myself, and Julia had our own doubts… We have done different projects in the past.”

 

 

Emosyonal pang tugon ni Alden, “This film is a blessing to all of us, because mayroong nabuo… Parang kami pong tatlo when we started we were not in a good place in our lives.

 

 

“This film, direk, this story has done something in our lives and changed us and made us stronger…”

 

 

Samantala, sa 2-minute official trailer ay pinasilip na ang mga buhay ng mga karakter nina Alden at Julia na sina Lance at Justine, at ang kanilang love story na nagsimula mag-bloom habang nasa Singapore.

 

 

Ilan nga sa mga batuhan nila ng linya nina Lance at Justine.

 

 

Justine: “Hindi ko talaga gets, ano ba balak mo? Bakit mo ginagawa ‘to?”

 

 

Lance: “Gusto kita. Wala ka talagang naramdaman?”

 

 

Justine: “Alam mo, hindi mo ako magugustuhan kung nakilala mo ako sa Pilipinas.”

 

 

Lance: ”Let’s just embrace uncertainty. Hindi naman kailangan may plano agad, di ba?”

 

 

Justine: “Baka ‘yun talaga ‘yung problema natin. We are just trying to relive our moments in Singapore.”

 

 

Kasunod ng ilang maiinit at madramang eksena, na may malaking epekto sa makakapanood.

 

 

Ang “Five Break-Ups and a Romance” na mula sa panulat at direksyon ni Irene Villamor, ay unang na-headline noong Abril nang lumabas ang balita na magtatambal nga sa unang pagkakataon sina Alden at Julia.

 

 

Last month, labis naman ang pasasalamat ang dalawa sa suportang natatanggap nila para sa pelikula, na kung saan nag-viral ang ‘scene drop’ na agad na nakakuha ng milyun-milyong views sa social media.

 

 

Aminado naman sina Alden at Julia na malaking pressure ang nararamdaman nila ngayong papalapit na ang paglalabas ng movie, na ilang buwan nang hinihintay ng kanilang tagahanga.

 

 

Positibo naman ang marami na magiging maganda ang resulta nito sa box-office, dahil unti-unti na ngang bumabalik ang mga Pinoy sa panonood sa mga sinehan.

 

 

At sa tingin namin, hindi naman mapapahiya sina Alden at Julia sa “Five Break-Ups and a Romance” dahil kaabang-abang talaga ang pelikulang may tatak ‘Irene Villamor’, na siguradong may kabuluhan at punum-puno ng aral.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 15,331 kabataang Bulakenyo, tumanggap ng tulong pinansyal

    LUNGSOD NG MALOLOS – Hanggang Agosto 20, 2021, may kabuuang 15,331 Bulakenyong iskolar ang tumanggap ng kanilang scholarship grant mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa ilalim ng Tulong Pang-Edukasyon Gabay ng Bagong Henerasyon Scholarship Program.     Kabilang sa mga benepisyaryo ng nasabing iskolarsyip para sa 2020-2021 1st sem ay ang 3,707 […]

  • ’Di lalahok sa debate may parusa – Comelec

    NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na papatawan ng parusa o sanction ang mga kandidato na hindi lalahok sa paparating na presidential at vice presidential debates na inorganisa ng poll body.     Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Comelec acting chairperson Socorro Inting na ang debate skippers ay hindi na makagagamit ng opisyal na e-rally […]

  • Semis duel ng Cool Smashers at Flying Titans inaabangan

    NAKASENTRO ang atensyon ng lahat sa bakbakan ng Creamline at Choco Mu­­cho sa pagsisimula ng se­­mifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Con­ference bukas sa The Aren­a sa San Juan City.     Ang Cool Smashers at Flying Titans ang dalawa sa may pinakamaraming fans sa liga kaya’t asahan na ang blockbuster venue sa Game […]