• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Semis berth nasikwat ng Cool Smashers

DALAWANG sunod na puntos ang pinakawalan ni middle blocker Ced Domingo sa huling sandali ng laro upang buhatin ang Creamline sa 25-23, 20-25, 25-12, 32-30 pukpukang panalo laban sa Chery Tiggo sa Premier Volleyball League Reinforced Confe­rence kahapon sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

 

 

Napanatili ng Cool Smashers ang rekord nito para masolo ang liderato tangan ang malinis na 5-0.

 

 

Maliban dito, nasikwat ng Creamline ang ikalawang tiket sa semifinals.

 

 

Nadungisan ang rekord ng Crossovers na nahulog sa ikalawang puwesto bitbit ang 5-1 marka.

 

 

Sa unang laro, malakas ang Petro Gazz sa hu­ling sandali ng labanan upang pigilan ang PLDT Home Fibr, 19-25, 25-21, 25-20, 27-25, para makalapit sa Final Four slot.

 

 

Balanseng atake ang inilatag ng Gazz Angels kung saan apat na players nito ang nagrehistro ng double digits para buhatin ang kanilang tropa sa ikatlong panalo.

 

 

Ramdam na ramdam ang presensiya ni import Lindsey Vander Weide na nagbaon ng 24 puntos, walong digs at anim na receptions para sa Gazz Angels.

 

 

Umariba pa si MJ Phillips ng 13 makers tampok ang apat na blocks habang gumawa naman si Myla Pablo ng 12 hits at nakakuha si Jonah Sabete ng 10 points para suportahan si Vander Weide.

 

 

Lumakas ang tsansa ng Gazz Angels sa semis tangan ang 3-1 marka.

 

 

“Alam naman nila kung gaano ka-importante yung laro sa amin. Saka ni-remind namin lagi sila na mag-focus sa kung anong nangyayari. Kaila­ngan nakatutok talaga kami sa ins­tructions at makuha namin yung panalo. Gusto talaga nila,” ani Petro Gazz coach Rald Ricafort.

Other News
  • Na may kinakaharap na problema sa ibang bansa… DMW sa Hunyo pa pormal na sisimulan ang pagtulong sa mga OFW

    MAGSISIMULA sa buwan ng Hunyo ang paghawak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa paghawak ng Assistance to Nationals program na pinapatakbo ng Department of Foreign Affairs.     Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople, na ngayong buwan sana ang pagsisimula ng paghawak nila ng programa subalit ito ay ipinagpaliban dahil kailangan pa nila ng […]

  • 1 RIDER, PATAY, 2 SUGATAN SA SALPUKAN

    NASAWI ang isang rider habang sugatan ang dalawa pang back rider  nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa  Malate, Maynila kahapon ng madaling araw.     Sa ulat mula sa MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang nasawi  na si Orlie Magtibay y Villanueva, rider ng Honda click na my plakang 7330 IW .     Sugatan naman […]

  • Villaramor, Uratex puntirya pang-2 korona sa WNBL 3×3

    TARGET ng  Uratex Dream na binubuo nina Alyssa Villamor, Kaye Pingol, Tina Deacon at Angel Anies ang pangalawang sunod na korona.     Sa pagsiklab ito ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2022 3×3 second leg na sasalihan ng 10 koponan at nakatakdang drumibol umpisa sa Pebrero 26 sa Hoopla Gym ng Angelis Resort […]