• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Cayetano tumanggi na hatian sa dalawang panukala ang CREATE bill

IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang corporate income tax reform bill dahil posible raw na pahinain nito ang Kongreso bilang isang institusyon.

 

Layunin kasi ng Corporate Recover and Tax Incetives for Enterprise (CREATE) bill na bawasan ang corporate income tax rate mula 30 percent ay gagawin itong 25 percent. Gayundin ang pag-rationlaize sa incentives na natatanggap ng mga kumpanya.

 

Ayon kay Drilon, kapag tinawag daw kasi na revenue measure ang naturang panukala ay magkakaroon ng kakayahan si Pangulong Rodrigo Duterte na i-line veto ito.

 

Pahihinain din aniya nito ang kapangyarihan ng Kongreso bilang co-equal branch ng gobyerno dahil lahat ng panukala na mayroong indikasyon ng “revenue aspect” ay maaaring mag- line items veto rito ang pangulo.

 

Sinubukan naman ng senador na pawiin ang pangamba ni Cayetano dahil patuloy pa rin nilang tatalakaying ang pagbabawas sa corpoate income tax rate at rationalization ng incentives ngunit bilang magkahiwalay na paksa.

 

“I think it can be forcefully argued that the rationalization of the fiscal incentive should not be a revenue measure and therefore the authority of the President on the line-item veto should not be existing,” wika ni Drilon.

 

Paliwanag ni Senate Ways and Means Committee Chairperson Pia Cayetano na ang rationalization ng incentives ay hindi maituturing na alien sa corporate income tax dahil ina-address nito ang tax leakages at pinapababa rin nito ang tax.

 

“In the early part of our interpellation, we emphasized the fact that this is foregone revenues. Thus, we need to rationalize because otherwise, these are tax revenues that are being exempted, not being collected, being given on a silver platter,” ani Cayetano.

 

Sa kabila nito bukas naman si Cayetano na patuloy na talakayin ang naturang paksa sa mga kapwa mambabatas.

Other News
  • Mas maraming LTO enforcers ikakalat vs kolorum na PUVs

    MAGKAKALAT  ang mas maraming traffic enforcers ang Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila, bukod pa sa may  50,000 deputized traffic personnel sa buong bansa sa darating na Pebrero 1 kung saan maraming mga pampasaherong sasakyan na ang ituturing na kolorum.     Ito ang inihayag ni LTO Chief Vigor Mendoza na batay rin umano […]

  • CBCP, nais magkaroon ng public consultation ukol sa ‘revival calls’ ng death penalty reimposition

    Nais ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magkaroon ng public consultation kaugnay sa muling pagpapanumbalik ng parusang kamatayan.   Reaksyon ito ng CBCP makaraang manawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address kahapon na magpasa ng batas para maibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection […]

  • 42nd MILO BEST Center webcast clinic lang muna

    TULOY ang dribol ng 42nd MILO-BEST Center simula sa Setyembre 26  na hahawakan ng mga kilalang basketball coach sa bansa, pero online format muna dahil sa umiiral pang COVID-19.   Ipinahayag ang senaryo nina MILO Sports Executive Luigi Pumaren, BEST Center Executive Vice President Monica Jorge, at BEST Center product and MILO ambassadress Ella Patrice Fajardo […]