• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Drilon pinahihinto ang implementasyon ng MVIS

Gustong pahintuin ni Minority Leader Franklin Drilon ang pagpapatupad ng widely criticized na Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Department of Transportation (DOTr) na ngayon ay hawak ng mga pribadong kumpanya.

 

 

Ayon kay Drilon ay huwag lang itong gawing optional kung hindi ay dapat tangalin na rin ang implementasyon dahil ito ay unconstitutional at illegal.

 

 

Sinabi ni Drilon na ang DOTr at Land Transportation Office (LTO) ay kinakailangan munang sagutin ng maayos ang mga katanungan tungkol sa legality at constitutionality ng MVIS kung saan ay inihayag ng Malacanang na magpapatuloy pa rin ang implementasyon subalit voluntary basis na lamang.

 

 

“This is an issue on the regulation of the use of motor vehicles, can you privatize that? That (MVIS) exercise of power of the state to regulate behavior or conduct of the citizens, can you delegate that to the private sector?” wika ni Drilon.

 

 

Sa kanyang pag-aaral ay lumalabas na ang Clean Air Act lamang ng pamahalaan ang pinapayagan na mag delegate ng pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng smoke emission testing.

 

 

Noong mga nakaraang Senate hearings ay inisa-isa ng mga mambabatas na miyembro ng Senate public services committee tulad nila Senate Pro Tempore Ralph Recto, Sen Aquilino Pimentel III at Sen. Drilon ang mga iba’t ibang constitutional at legal violations kasama na ang mga procedural lapses na nagawa ng DOTr at LTO sa implementasyon ng MVIS.

 

 

Ayon naman kay DOTr transportation undersecretary Renier Yebra na ang MVIS ay may backing ng 56-year old na Republic Act 4136, Clean Air Act at Executive Order No. 127 ng 1987 na pinapayagan ang mga ahensiya ng pamahalaan na kunin ang tulong mg private sector para sa motor vehicle safety.

 

 

Diniin pa rin ni Drilon na wala sa mga nasabing batas ang nagbibigay sa DOTr na mag delegate ng powers na binigay ng Congress at dagdag pa niya na ang Department of Environment and Natural Resources lamang ang may karapatang gumawa ng mga specific actions related sa Clean Air Act.

 

 

“The act of regulation of the DOTr and the LTO is a police power – such as inspection of motor vehicles and charging owners for such – that can only be exercised based on the specific stipulation of Congress. While the EO only authorizes the tapping of services – if needed from the private sector and not to have enforce the law,” saad ni Drilon.

 

 

Wika naman ni Recto na ang pagbabayad sa mga pribadong MVIS para sa inspection ng sasakyan ay tulad ng taxation na walang representation lalo na kung ang mga MVIS ay humihingi sa mga vehicle owners na lumagda sa isang waivers upang ang huli ay hindi makahingi ng danyos kung sakaling may masira sa kanilang sasakyan sa panahon ng inspection.  (LASACMAR)

Other News
  • Cone nagpasalamat sa Ginebra fans

    NAGPASALAMAT si Barangay Ginebra head coach Tim Cone sa solidong suporta ng fans na hindi bumitiw sa bawat laban ng Gin Kings.     Isang panalo na lamang ang kailangan ng Gin Kings para makapasok sa best-of-seven semifinal series ng PBA Governors’ Cup.   Nakuha ng Ginebra ang Game 2 laban sa Meralco nang kubrahin […]

  • 19-yr old Carlos Alcaraz ng Spain nagtala ng kasaysayan sa pagkampeon sa US Open 2022

    INILAMPASO ng 19-anyos na Spanish tennis player na si Carlos Alcaraz ang Norwegian player na si Casper Ruud sa katatapos lamang na US Grand Slam Championship game sa New York.     Sa katunayan ito ang kauna-unahang Grand Slam Singles title ni Alcaraz matapos nitong matalo si Ruud sa score 6-4, 2-6, 7-6(1), 6-3.   […]

  • NavoConnect

    MULING inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsehal ng lungsod ang kanilang libreng serbisyo ng Wi-Fi na NavoConnect upang higit na bigyang-diin ang kahalagahan ng connectivity. (Richard Mesa)