• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Go naghain ng panukalang batas sa pagpapaliban ng PhilHealth contribution hike

Inihain na ni Sen. Bong Go, chair ng Senate Committee on Health ang Senate Bill No. 2000 na naglalayong bigyang otoridad si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang scheduled increase sa premium contribution rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

 

Sinabi ni Sen. Go, kailangang mag-pokus muna kung paano matulungan ang mga kababayang nangangailangan dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ayon kay Sen. Go, lalo sa ngayong nasa health emergency ang bansa, nawawalan ng kakayahan ang mga Pilipinong magbigay ng dagdag na kontribusyon dahil sa krisis.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ng senador ang national government na balikatin o tustusan muna ang kinakailangang pondo para maipatupad ang Health Care Law habang karamihan sa mga Pilipino ay bumabangon pa sa matinding epekto nog COVID-19 pandemic sa kanilang kabuhayan at buong ekonomiya ng bansa.

 

 

“Huwag na natin munang dagdagan ang pasakit ng taumbayan. Kung kaya naman, ang gobyerno muna ang sumalo sa kailangang pondo ng PhilHealth para maimplementa ng maayos ang Universal Health Care Law,” ani Sen. Go.

Other News
  • 5 high ranking PNP officials binalasa

    LIMANG high ranking officers ang inilipat ng puwesto ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., bilang bahagi ng reorganization ng PNP.     Batay sa order ni Acorda, na may petsang Nobyembre 17, itinalaga si dating PNP Director for Information and Communication Technology Management (DICTM) Maj. Gen. Bernard Banac bilang bagong Director ng […]

  • 203 bagong COVID-19 cases sa Phl naitala; 41 labs ‘di nakapagsumite ng datos – DOH

    Aabot lang sa 203 ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na 41 laboratoryo sa bansa ang sinuspinde ang kanilang operations at hindi nakapagsumite ng datos dahil sa Bagyong Odette.     Sinabi ng Department of Health (DOH) na 395 pa ang gumaling sa sakit, at 64 ang nadagdag sa mga nasawi.   […]

  • PBA player na unang nagpositibo sa COVID-19, nag-negatibo na sa antigen test

    NAGNEGATIBO na COVID-19 sa isinagawang antigen test ang manlalaro na naunang nagpositibo sa virus.   Ayon kay PBA Deputy Commissioner Eric Castro, na hinihintay pa ang resulta ng RT-PCR swab test ng manlalaro mula sa Blackwater.   Itinuturing na kahalintulad din ng nangyari sa isang referee na Carly abala sa gym KAHIT hindi pa nagbabalik […]