• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Go naghain ng panukalang batas sa pagpapaliban ng PhilHealth contribution hike

Inihain na ni Sen. Bong Go, chair ng Senate Committee on Health ang Senate Bill No. 2000 na naglalayong bigyang otoridad si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang scheduled increase sa premium contribution rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

 

Sinabi ni Sen. Go, kailangang mag-pokus muna kung paano matulungan ang mga kababayang nangangailangan dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ayon kay Sen. Go, lalo sa ngayong nasa health emergency ang bansa, nawawalan ng kakayahan ang mga Pilipinong magbigay ng dagdag na kontribusyon dahil sa krisis.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ng senador ang national government na balikatin o tustusan muna ang kinakailangang pondo para maipatupad ang Health Care Law habang karamihan sa mga Pilipino ay bumabangon pa sa matinding epekto nog COVID-19 pandemic sa kanilang kabuhayan at buong ekonomiya ng bansa.

 

 

“Huwag na natin munang dagdagan ang pasakit ng taumbayan. Kung kaya naman, ang gobyerno muna ang sumalo sa kailangang pondo ng PhilHealth para maimplementa ng maayos ang Universal Health Care Law,” ani Sen. Go.

Other News
  • Movie nina Paulo at Charlie, nag-number one pero wala pang figures na nilalabas; 47th MMFF, masasabing ‘di nagtagumpay

    THE 47th Metro Manila Film Festival officially ended on January 7 pero wala pang announcement ang MMFF Execom kung kumita ba ang festival na ang entries ay napanood via streaming sa Upstream and Gmovies.   Kung hindi naging virtual ang panonood ng MMFF entries at pwede manood sa sinehan, tiyak na yung entries sa MMFF na […]

  • DILG sa mga LGUs:’Pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores’

    HINIMOK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga local government units (LGUs) na pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari sari stores.     Ito ay kasunod s paglaganao ng mga pekeng gamot sa mga maliliit na retail stores.     Inatasan din ni Sec Año ang […]

  • Mas maraming ayuda, suspended oil tax -PDu30

    SINABI ng Department of Finance (DOF) na ang ginawang pagbibigay ng ilang beses na cash aid sa gitna ng napakatagal na pandemya habang inalis ang oil taxes nang tumalon naman ang global prices sa pinakamataas na record nito ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit pumalo sa P15.4 trillion ang public debt ng Pilipinas […]