Sen. Imee Marcos, mas piniling mag-isa kahit inindorso ng partido ni PBBM
- Published on October 1, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPAHIWATIG na ng pagkalas sa alyansa si Sen. Imee Marcos, ilang araw lamang matapos itong i-indorso ng partido ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa alyansang ito ang Nacionalista Party, Lakas CMD, NPC at iba pa.
Sa kaniyang video message, sinabi ni Sen. Marcos na bagama’t nagpapasalamat siya sa mga grupong nagtiwala at patuloy na nagbibigay ng tiwala sa kaniya, may mga bagay siyang nais na ikonsidera.
Itinuro daw kasi ng kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. na manindigan at tumayong mag-isa na walang kinakampihang organisasyon kundi ang taumbayan.
Aminado ito na hindi madaling mag-isa sa kampanya at sa politika, ngunit ayaw na rin niyang malagay sa alanganin ang kaniyang nakababatang kapatid na pangulo ng bansa ngayon.
“…Bilang panganay niya, pinipili kong manindigan nang malaya’t matatag, tulad niya; na wala na dapat kampihan kundi ang Sambayanang Pilipino. Hindi madaling tumayong magisa, sa kampanya at sa pulitika… Ngunit yan ang pamana ng matanda sa akin, yan ang pamana ni Apo Lakay na ginugunita natin ngayon… Minabuti kong tumindig mag-isa upang huwag nang malagay sa alanganin ang aking ading, para wag nang mag-alinlangan ang aking mga tunay na kaibigan. Pinipipili ko na lamang manatiling malaya at tapat—hindi sa isang grupo, kundi sa bawat Pilipino,” wika ni Sen. Marcos.
Matatandaang malapit na kaibigan si Sen. Imee ni Vice President Sara Duterte, habang pinsan naman nito si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ang banggan nina Romualdez at Duterte ay nalantad pa sa mga nakaraang pagsasalita ni VP Sara.
Naging isyu na rin ang pag-amin ng bise presidente na si Sen. Imee ang kaniyang kaibigan at para lamang sa panahon ng politika ang pagiging malapit niya noon kay Pangulong Bongbong Marcos. (Daris Jose)
-
Palaban sa ‘Miss Universe 2024’ sa Mexico City: CHELSEA, nakahanap ng ‘big sister’ kay Miss U Peru TATI
NAKAHANAP ng matatawag na “Ate” niya si Miss Universe Philippines Chelsea Manalo sa mga kandidata ng Miss Universe 2024 sa Mexico City. Ang roommate ni Chelsea na si Miss Universe Peru Tati Calmell ang naging big sister niya habang uma-attend sila sa ilang activities ng pageant. “#PERUPPINES in the house. My lovely sister […]
-
Pagpapalabas ng 92 milyong nat’l IDs sa taong 2023 itinutulak
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Statistics Authority ang pagpapalabas ng 30 milyong national IDs bago matapos ang taong 2022. Gusto rin ni PBBM na maabot ang “target goal” na 92 milyon sa kalagitnaan ng susunod na taon. Tinukoy ng Pangulo ang mahalagang gampanin ng digital transformation. […]
-
Chinese illegal workers na napatawan na ng visa cancellation, nasa higit 1, 400 – DOJ
PUMALO na sa mahigit 1,424 na dayuhan ang napatawan ng visa cancellation dahil iligal na nagta- trabaho sa bansa. Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni DOJ spokesperson Assistant Secretary Atty. Mico Clavano, batay sa hawak nilang datos, “as of October 10″, nasa 1,424 pa lamang na illegal workers ang napatawan na ng kanselasyon […]