• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Kiko Pangilinan tatakbo bilang VP ni Leni Robredo sa 2022

Opisyal nang kakandidato sa pagkabise presidente para sa susunod na taon si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, sa pagkakataong ito sa ilalim ng slate ni Bise Presidente Leni Robredo na tatakbo naman sa pagkapangulo.

 

 

Sinamahan si Pangilinan ni Robredo sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy sa pagkabise sa Comelec, Biyernes, ang pinakahuling araw ng filing ng kandidatura.

 

 

Tatakbo sa ilalim ng Liberal Party si Pangilinan kahit na tatakbong independent ang running mate na si Leni.

 

 

“Tinanggap ko ang hamon, at ito ay tinanggap natin, hindi dahil sa katiyakan ng ating pagkapanalo kung hindi dahil sa katiyakan ng ating paninindigan at paniniwala,” wika ng maluha-luhang Pangilinan sa isang press briefing matapos ang COC filing kanina.

 

 

“Tinanggap ko at ipaglalaban nang buong lakas ang hamon bilang kandidato sa pagkapangalawang pangulo kaagapay ni pangulong Leni Robredo. Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno at sa tulong ng mga kababayang handang tumaya, handang kumilos, handang makipagtulungan, maisasaayos na natin sa wakas ang palakad ng gobyerno sa pagharap sa pandemya [ng COVID-19].”

 

 

Sa ngayon pa lang daw na hindi pa presidente si Robredo ay nakikita na kung gaano kahusay ang kanyang pagtugon laban sa COVID-19, kagutuman atbp., bagay na mas mapapahusay pa raw kung mailuluklok bilang pinuno ng republika.

 

 

Una nang inendorso ng LP si Pangilinan, presidente ng partido, sa pagkasenador sa 2022 ngunit umatras mula rito para maging katambal ni Robredo.

 

 

Matatandaang sinabi ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat nitong Huwebes na tatakbo siya sa pagkasenador para humalili sa binitawang senatorial slot ni Pangilinan.

 

 

Sa ngayon pa lang daw na hindi pa presidente si Robredo ay nakikita na kung gaano kahusay ang kanyang pagtugon laban sa COVID-19, kagutuman atbp., bagay na mas mapapahusay pa raw kung mailuluklok bilang pinuno ng republika.

 

 

Una nang inendorso ng LP si Pangilinan, presidente ng partido, sa pagkasenador sa 2022 ngunit umatras mula rito para maging katambal ni Robredo.

 

 

Matatandaang sinabi ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat nitong Huwebes na tatakbo siya sa pagkasenador para humalili sa binitawang senatorial slot ni Pangilinan. (Daris Jose)

Other News
  • Matapos silang maghiwalay ni KC: GENEVA, ni-reveal na minsan nang tumira sa bahay nina KRIS at JAY-R

    MUNTIK maging biktima ng panggagahasa ang Vivamax actress na si Aiko Garcia.   Lahad ni Aiko, “Muntikan, muntikan! Mga ten years ago. Nasa grade school ako. Nagkataon lang na mag-isa ako sa house and good thing naman alert ako that time.”   Kilala ni Aiko ang kapitbahay nila na nagtangka siyang halayin.   “Sinadya niya, […]

  • 26 milyong Pinoy sadlak sa hirap – POPCOM

    UMAABOT na sa 26 milyon ang mga Filipino na sadlak sa hirap o nasa ilalim na ng tinatawag na “poverty line”.     Sa Laging Handa press briefing, tinukoy ni Commission on Population (POPCOM) Undersecretary Juan Antonio Perez III ang pag-aaral na ginawa ng Philippine Statistics Authority ukol sa kahirapan sa Pilipinas kung saan ikinum­para […]

  • AGA, ‘di inakala na muling makababalik sa Kapatid network

    BALIK-TV5 si Aga Muhlach sa bagong programa ng Viva TV na Masked Singer Pilipinas na magsisimulang mag-air on October 24 at 7 p.m. sa primetime slot ng TV-5.   Si Aga ang isa sa hurado ng Masked Singer Pilipinas at hindi raw niya akalain na muli siyang makababalik sa Kapatid network.   Nakatago sa mask […]