Sen. Pimentel, nakahandang pangunahan ang imbestigasyon sa Duterte drug war
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
Nakahanda umano si Senate Minority Leader Koko Pimentel na pangunahan ang imbestigasyon ng Senado sa madugong drug war na pinangunahan di dating Pang. Rodrigo Duterte.
Una nang sinabi ni Senate President Francis Escudero na ang Senate Blue Ribbon Committee ang magsasagawa ng parallel investigation kung saan ang naturang komite ay pangungunahan ni Pimentel.
Ayon kay Pimentel, tatanggapin niya ang kaniyang bagong assignment.
Ang Blue Ribbon Comm ang tanging may motu proprio authority na magsagawa ng imbestigasyon ngayon habang naka-break ang Kongreso.
Ayon kay SP Escudero, mas nakabubuting makapagsagawa o masimulan na ang pagdinig bago ang pagbabalik-sesyon sa Nobiyembre 4 dahil tiyak na aniyang magiging abala ang Senado sa pagtalakay sa P6.352-trillion national budget para sa 2025.
Sa kasalukuyan, wala pang eksaktong araw kung kailan sisimulan ng Blue Ribbon ang imbestigasyon. (Daris Jose)
-
Oribiana nilinaw ang papel nina Garcia, Gavina sa RoS
KLINARO ng Rain or Shine management na si coach Chris Gavina ang tatawag ng plays at magsasabi ng instructions para sa Elasto Painters sa 46th PBA Philippine Cup 2021 simula sa April 9, habang si dating mentor Carlos ‘Caloy’ Garcia ay parte ng national men’s basketball training team program. Ipinahayag Lunes ni ROS […]
-
49% ng mga Pinoy nagpahayag na mas bumuti ang lagay matapos ang COVID -19 pandemic
HALOS kalahati ng mga Filipino ang nakaramdam ng pagbuti ng buhay kumpara noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Ito ang lumabas sa report na may titulong “Cost of Living Monitor” ng market research company Ipsos. Lumitaw sa isinagawang survey mula Oct. 25 hanggang Nov. 9, na 49% ng mga Pinoy ang nagpahayag […]
-
Moreno at Pacquiao angat sa botohan sa pagka-senador sa 2022 – Pulse Asia Survey
Nasa unang puwesto sina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao sa Pulse Asia Survey sa mga tatakbong senador sa 2022 election. Sinundan ito nina Davao City Mayor Sara Duterte, mamamahayag na si Raffy Tulfo, Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at Sorsogon Governor Francis Escudero sa top six. Mayroong 54 […]